FLOWERHORN BREEDING PROCEDURE Breeding a Flowerhorn #1 - TopicsExpress



          

FLOWERHORN BREEDING PROCEDURE Breeding a Flowerhorn #1 RULE of Breeding is BE PATIENT maraming trial and error ang mangyayari dito at hindi makukuha sa isang salangan lang. *Size* Male ZZ should be 6 or better.. (basic maturity stage) Female ZZ 3.5 or better.. (pag nag lay ng egg na mas maliit sa binanggit na size mas maganda) (Hindi ko linagay yung kamfa kasi kulang ako sa knowledge about kamfas Fertility stage, ayaw ko mag post ng hindi ako sigurado) Materials: Aquarium (30gals, 50gals, 75gals) Divider Paso or Tiles Air Stone (para sa eggs) Net (pang awat sa Lip Lock) Heater (hindi gaanong kinakailangan) NOTE: pwede ka mag breed sa smaller tank like 10gals, 15gals or 20gals PERO mas mahirap.. **Process: 1st day:Divider si male kay female, be observant tignan ang reaction ng pair (Male and Female). *positive reactions; Male= a)nag wiwiggle or gamitin nalng natin un term na kinikilig, b)naglilinis ng lapag or sa paso c) un attention nasa female Female= a)nag wiwiggle or gamitin nalng natin un term na kinikilig, b)naglilinis ng lapag or sa paso. *negative reactions; Male= a)Agressive parang gusto lafangin un female, Female=a) Takot sa male at lagi nasa sulok 2nd day:pag samahin si Male at Female alisin un Divider at mag observe, a)May tendency na Maghahampasan ng buntot yan kaya mag pay attention ka at baka mag away/kagatan ,dito mo gagamitin ang net pang awat. b)minsan naman nag iikutan lang sinusundan ni male si female kahit san xa mag punta.. c)its either si male or si female or both sila na kikiligin pag magkasama at mag lilinis ng lapag. pagsamahin ng 10 to 30minutes depende sa availablity ng time mo mag observe at sa compatibility nilang dalawa..once na nag lip lock na awatin mo gamit ang net at ibalik mo na sa divider. try again tomorrow.. ulitin lang ang process ng 2nd day araw araw hanggang sa maging preggy na si female, *Signs ng pagiging preggy ng Female, a)Malaki tyan b)mahaba na mataba ang tube, c)lagi naglilinis ng paso or tiles. TIP: Laging busugin si female para maraming i-produce na eggs. Around 5th day or so, pag luwa na ung tube ng female yung tipong namamaga na talagapwede ka mag last waterchange para iwas fungus sa eggs pag ang lay na si female.. Final Day (Laying eggs) 3 Ways to do this part nasa sau na un kung ano gusto mo subukan (mag trial and error ka wag mag expect na makakabuo agad sa unang salang) 1st: Basic system (Highly Recommended) 2nd: Palitan System (switching eggs) 3rd: Do or Die System (Ok lang kahit magalusan ng husto ang pair and worse ma deads) Tip: mas advisable ang Basic System sa tatlo.. **Basic System: pag mag le-lay na ng egg yung female alisin mo na yun divider mag lilinis na sila parehas ng paso.maging aware ka din kasi hindi lahat ng pair compatible, meron nag aaway during this process kaya pede ka lumipat sa do or die or palitan system.pero pag compatible ang male at female mo hindi sila mag aaway at mag lalay ng egg si female tapos mag sesemilya na si male. **Palitan System: ginagamit to pag ayaw mo magalusan si male, or maxado matapang ang male or female.aantayin mo matapos mangitlog si female, pag tapos na mangitlog si female alisin mo xa at si male ang ilagay mo sa egg. maliit ang chance na may mabuo pero pag lucky ka meron at meron yan.. **Do or Die System: pag malapit na mangitlog si female pagsamahin mo na sila. kahit mag away yaan mo lang hanggang sa mangitlog.magkakaron ng todo galos sa isat isa at worse mataas ang chance na mamatay ang isa sa pair mo. (hindi ito advisable pero ginagamit ko to) TIP: pwede mo rin pungusan yung bibig ng female para less damage ang matanggap ng male mo sa breeding. FEMALE ang matapang sa breeding hindi male especially pag malapit na mangitlog. pede mo iwan ang parents sa eggs from 30minutes up to 2days. (depende sa bait at agresibo ng parents)pag mabait ang parents (both male and female) pede mo sila iwan sa eggs from 1day to 2days.pero pag matapang ang parents (its either male or female or both) from 30minutes to 1hour pede na.. bantayan mo lang kasi baka mag away un parents or kainin un itlog) **Reason bakit nangangain ng itlog ang parents: Male: A:Pag mali yung breeding process, B:Hindi pa matured C:self defence mechanism (pag nakaramdam ng threat) Female: A:Hindi pa matured B:Self defence mechanism (pag nakaramdam ng threat) NOTE: Success from breeding depends on your Flowerhorns Maturity. pag hindi nakabuo Try again next time. **Incubating the eggs: usually ang ginagawa ng mga breeders including FH Locker tinatagilid namin yung paso or tiles para pag buhay yung eggs mahuhulog nalang siya sa lapag hindi na mafufungus.yung Airstone kakailanganin mo na dito. ilapit mo lang sa harap ng itlog (wag tatama sa egg) para lang yun dumi maalis agad at para tuloy tuloy din ang pag bigay ng oxygen.. Heater (pag meron ka lang) lagay mo sa 28 Degrees para madaling mapisa ang egg.2 to 3days para malaman kung POSITIVE or NEGATIVE ang breeding mo.pag buhay ang eggs(POSITIVE) may DOT na itim sa gitna ng egg.pag deads(NEGATIVE) naman puti yung egg.. **PRETTY AWESOME FACTS sa BREEDING! 1st:Pag ang parents or ang female naiwan hanggang sa mapisa ang eggs, kukunin nya isa isa ang mga buhay na wrigglers sa paso or tiles tapos ilalagay nya sa lapag ng aquarium. 2nd:pag papakainin mo yung female dudurugin nya un pellets tapos ibibigay nya sa mga wrigglers (Y) REMINDER: This is Just the BASIC breeding process at sinulat ko to thru our experiences hindi ko to kinopya sa net or whatsoever.para ito sa mga gusto matuto mag breed at para madagdagan ang knowledge ng ating mga ka-Locker. This is for knowledge purposes only ^_^ PWEDE NIYO PO ITO I-SHARE SA Wall niyo or IBANG GROUPS ginawa ko po ito para sa ating mga ka-Hobbyist! P.S. Para sa mga Datihang BREEDERS jan,mas MAGANDA at mas MAKAKATULONG kung mag cocoment kau ng mga infos at stragedy kung pano kau mag breed.. PERO pag gusto niyo mambara or mag dagdag ng sarcastic question sarilinin niyo nalang, at wag na magpakahangin sa iba or mag Feeling magaling. Happy Fish Keeping! -Sir StClue FhLocker
Posted on: Mon, 31 Mar 2014 01:10:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015