GOBYERNO, TODO PALIWANAG SA WEALTH SHARING SA MILF Nina Boyet - TopicsExpress



          

GOBYERNO, TODO PALIWANAG SA WEALTH SHARING SA MILF Nina Boyet Jadulco, Dindo Matining at Bernard Taguinod Ipinagtanggol ng go­vernment peace panel ang nilagdaan nilang “wealth sharing annex” sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), kasabay ng pag­lilinaw na hindi nila ito minadali upang maisahog ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ngayong Hulyo 22. Sa isang pulong balitaan sa palasyo ng Malacañang, tiniyak ni government chief negotiator Mi­riam Coronel-Ferrer na hindi agrabyado ang gobyerno sa kinasang deal sa MILF. “It is not a one-way partnership,” diin ni Coro­nel-Ferrer kasabay ng pagsasabing isa itong “win-win solution” ng gobyerno. Nais ng gobyerno ang 50-50 pero bumigay din sa hirit ng MILF panel hinggil sa 75-25 wealth sharing. Sa ilalim ng kasunduan, 75% ng national taxes na nakolekta sa loob ng “areas of jurisdiction” ay mapupunta sa Bangsamoro entity habang 25% lamang ang makukuha ng national government. Ganito rin ang magi­ging kalakaran sa partihan ng revenue sa “natural resources” tulad ng “metallic minerals”, pero 50-50 sa partihan ng revenue sa “energy resources” tulad ng langis, natural gas, coal at uranium. Ibinigay naman ng gobyerno ang 100 percent na revenue sa “non-metallic minerals”. Sinabi pa ni Coronel-Ferrer na upang masustinihan ng Bangsamoro entity ang kanilang autonomy, kailangang ibigay ng pamahalaan ang mala­king parte ng revenue na nakokolekta sa kanilang rehiyon. Itinanggi naman nito na naging “driving force” ang nalalapit na SONA ni Pa­ngulong Aquino kung kaya’t pumayag sila sa proposal ng MILF sa wealth sharing. Nanindigan din si Co­ronel-Ferrer na naaayon sa Konstitusyon ang pinasok nilang kasunduan sa MILF at hindi ito matutulad sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) ng administrasyong Arroyo na binasura ng Supreme Court. Samantala, aprub na­­man kina Senators Franklin Drilon at Teofisto Guin­gona III ang paglagda ng ‘wealth sharing’. Suportado naman ni CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna ang nasabing wealth sharing subalit hindi sa police at military control. abante.ph/issue/jul1613/news06.htm#
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 03:05:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015