Gobyerno mabagal sa pag ayuda Kinalampag ni Bayan Muna Rep. - TopicsExpress



          

Gobyerno mabagal sa pag ayuda Kinalampag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang kabagalan ng national government sa kanilang relief operations sa Tacloban City at iba pang lalawigan sa Visayas na sinalanta ng bagyong Yolanda. Ayon kay Colmenares, hindi ito ang panahon na magsisihan ang Malacañang at mga lokal na opisyal dahil ang kailangan ay ang pagkakaisa upang makarating na sa mga biktima ng bagyo ang relief goods. “Relief goods have been pouring in since day one but the victims have yet to get them. Billions have already been donated but funds given to the storm struck areas are coming in trickles. In fact private companies and individuals as well as NGOs are more efficient in giving help,” diin ni Colmenares. Kaugnay nito, sa report ng mga local news network, gayundin ng international news organization na CNN, tinumbok din ang pagiging “disorganized” ng national government gayong limang araw na ang lumipas nang manalanta ang bagyong Yolanda. Itinanggi ito ng Palasyo sa pamamagitan ni Secretary Jose Rene Almendras na nagsabing nasa mga nasalantang lugar ang mga miyembro ng Gabinete tulad nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas bago pa man dumating ang bagyo. “Sunrise pa lamang nagsisimula na silang magtrabaho,” ani Almendras na taliwas naman sa naging obserbasyon ng CNN reporter na si Anderson Cooper. Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na mukhang hindi na natuto ang administrasyon sa mga nakalipas na kalamidad tulad ng bagyong Pablo noong Disyembre 2012. “It appeared that the government is either horribly clueless, badly inefficient or even criminally disorganized,” patutsada ni Zarate. “The government is so incompetent that it even allowed the conduct of relief, rescue operations to be undertaken by foreign troops,” dagdag pa niya. Nagpasaring pa ito na mukhang missing in action ang national government sa panahon na kailangang-kailangan ng mga biktima ang tulong ng gobyerno. Kaugnay nito, kinumpirma ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na nagdatingan na ang mga relief goods sa Tacloban City subalit ang panibagong kinakaharap nilang problema ay kung paano ito maipapamahagi nang maayos sa mga survivors ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Pinaliwanag ni Romualdez na marami sa mga munisipalidad ng Leyte ay hirap pa ring mapuntahan.
Posted on: Thu, 14 Nov 2013 01:40:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015