HIRAM NA MUKHA Chapter 1 (Page 3) “Oh siya, mag-ingat kayo - TopicsExpress



          

HIRAM NA MUKHA Chapter 1 (Page 3) “Oh siya, mag-ingat kayo at huwag kalimutang umuwi ng maaga mamaya para sabay-sabay tayong maghapunan ha” paalala ng kanilang ina na ngayon ay naghuhugas ng kanilang pinagkainan na tinutulungan naman ng kanilang ama. “Sige po nay, tsaka pupunta naman po ang magpinsan” sabat ni Samantha. “Sige po nay, tay alis na po kami” “Byeee” sabay na sigaw ng tatlo at tuluyan nang umalis. Ang tinutukoy ni Sam na magpinsan ay sina Daniel at Jonathan. Si Daniel ay hindi lang basta kaibigan ni Samantha kundi bestfriend niya ito simula nang mga bata pa sila. Si Jonathan naman ay ang makulit na bestfriend din ni Marissa na kaklase din niya simula Grade 1 pa lang. Nung dumating ang tatlo ay nakita na nilang naghihintay na sa kanila sina Daniel at Jonathan. Masayang kumaway ang mga ito nung makita ang tatlo. Agad tumungo ang magkakapatid sa isang maliit na kamalig malapit sa ilog at sumunod naman ang dalawang binata. “Mukhang ang saya-saya nyo ah” puna ni Jonathan sa magka-akbay na magkakapatid. “May dapat ba kaming malaman?” tanong naman ni Daniel. “Ang tatay kasi namin dumating kanina lang” nakangiti namang balita ni Samantha sa dalawa. “At ang masaya pa, dadalo siya sa graduation ko sa susunod na linggo” dagdag pa ni Angela. “Kami rin may ibabalita sa inyo” sabat ni Jonathan na naging dahilan naman nang pagkunot ng noo ng tatlo. “Aalis na kami papuntang Maynila para dun na ipagpatuloy ang aming pag-aaral”. “Teka teka lang!” putol ni Marissa. “Ba’t “kami”? bakit pati si Daniel kasama?” pagtataka naman ni Samantha. “Nag-apply kasi kami ng scholarship sa isang unibersidad sa Maynila at sa awa ng Diyos ay binigay naman sa amin” paliwanag ni Daniel. “Kelan naman ang alis niyo nyan?” tanong ni Angela. “Bukas na eh!” malungkot na sagot ni Jonathan. “Ano ba yan! Tsaka ba’t parang ang bilis naman“ naluluhang sabi ni Marissa.
Posted on: Sat, 16 Nov 2013 01:21:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015