HK, nagbanta ng economic sanctions sa PH kaugnay ng hostage - TopicsExpress



          

HK, nagbanta ng economic sanctions sa PH kaugnay ng hostage crisis; 4 demands, inilatag By dzmm.ph | 08:41 PM 11/06/2013 Papatawan na ng economic sanctions ng Hong Kong ang Pilipinas kung hindi pa rin ito hihingi ng tawad kaugnay ng 2010 Manila hostage crisis. Nagbanta na ng kaparusahan ang Hong Kong sa Pilipinas kaugnay ng hostage crisis sa Maynila noong 2010 na ikinamatay ng walong turista. Sa report ng Reuters, papatawan ng Hong Kong ang bansa ng economic sanctions. Pahayag ni Hong Kong leader Leung Chun-ying, I declare that unless we obtain steady progress within a month, the (Hong Kong) government will take necessary sanctions action. Kabilang sa kahilingan nito ang paghingi ng paumanhin ng Pilipinas at pagbibigay ng ayuda sa pamilya ng mga biktima. Sa panayam naman ng DZMM, sinabi ni Councilor Bernie Ang, kinatawan ng Manila government na tumungo sa Hong Kong noong Oktubre 23 at nakabalik nitong Nobyembre 1, na apat ang inilatag na demands ng Hong Kong. Bukod anya sa paghingi ng paumanhin ng pamahalaan at kompensasyon, nais din nitong maparusahan ang mga responsable sa hostage taking at umaksyon ang gobyerno ng Pilipinas para hindi na maulit ang ganitong insidente, partikular sa mga turista. Sabi ni Ang sa paghingi ng tawad ng Manila government sa Hong Kong, Tinanggap nila [ito] bilang good will ng Maynila... pero ang sabi nila, sino naman ang hihingi ng paumanhin dun sa kapalpakan ng national government officials? Iginiit anya ng Hong Kong authorities na hindi nila hinihiling na mag-sorry si Pangulong Noynoy Aquino bilang pinuno ng estado kundi bilang pinuno ng mga opisyal na pumalpak sa operasyon ng hostage crisis na ikinasawi ng kanilang mga kababayan. Ayon din sa Manila councilor, tatanggapin ng Hong Kong ang paumanhin ng sinumang kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas. Kaugnay naman ng kompensasyon, bukas ang Maynila na sila ang magbayad. Ang mga pledges, aabot na tayo sa 80 million HK dollars o halos P100 milyon. Positibo si Ang na maaayos pa ang isyung ito sa pagitan ng Hong Kong at Maynila, maliban sa isang kondisyon na ayaw pang ibigay ng gobyerno. Ang lahat ng detalye ay hindi na namin pwedeng ibulgar pero lahat ng yan ay napag-usapan na namin sa Hong Kong at ni-report ko lahat kay Mayor Erap... Malaki ang paniwala ko na magtatagumpay ang ating usapin except dun sa apology. Pinangangambahan namang pinaka-maaapektuhan ang tinatayang 100,000 Pinoy domestic helpers sa Hong Kong kung hindi maaayos ang isyu ng hostage taking. Most hated Nabanggit naman ni Ang na batay sa isang survey, ang Pilipinas ang pinaka-ayaw na bansa ng Hong Kong hindi lamang dahil sa nangyaring hostage crisis. Ngayon po tayoy tinatawag na favorite punching bag ng mga lawmaker ng Hong Kong, hindi dahil dito sa hostage taking, well one of the causes. Pero makikita niyo sa survey ng Hong Kong University, the most unpopular na bansa para sa Hong Kongers ay ang Pilipinas... Tayo ang number one most hated government. Sabi ni Ang, posibleng dahil dito kaya nagbanta na rin ang Hong Kong na hindi i-renew ang kontrata ng mga Pinoy at posibleng kailanganin na ng visa papunta roon. Matatandaan naman minsan nang pinagsisigawan ng Hong Kong media si PNoy. With report and photo from Reuters ~crystal~
Posted on: Wed, 06 Nov 2013 14:17:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015