HOME AKO c mohammd KANGITIAN PARA SA MGA KANGITIAN RANDOM - TopicsExpress



          

HOME AKO c mohammd KANGITIAN PARA SA MGA KANGITIAN RANDOM Search LAPIS Ang tao ay parang lapis. Tinatasahan para matuto. Habang nabubuhay, napupudpod sa dami ng nararanasan sa mundo. Ang lapis ay minsan nababali, napuputol at minsan, matagal bago matasahan. Parang tao na nadadapa, nalulungkot at nasasaktan, matagal bago maka-move on. Pero habang lumilipas ang panahon, nakakabangon, natututo at nagbabago. Tulad ng lapis na tumutulis habang tinatasahan. Hindi laging matulis ang lapis. Parang tao. Hindi laging masaya at hindi palaging tama. Walang lapis na perpekto. Parang tayo, hindi ba? Kahit na sabihin mong bagong bili ang lapis mo, habang tumatagal yan, malalaman mo na minsan mabilis itong maputol o mabilis matanggal ang pintura. Ganun din tayo. Pag ang lapis napudpod, kailangan tasahan para magamit ulit. Ang tao pag nagkamali, kailangan pagsabihan at kailangan pagpaliwanagan para sa susunod, hindi na siya magkamali sa bagay na yun. Ang pagkakaiba nga lang ng lapis at ng tao ay: ang lapis ay isang bagay. Walang buhay at walang kalaban-laban. Kung bata ang may ari sa mga ito, kahit na bagong tasa lang ito pipilitin pang putulin para tasahan ulit. Ang tao, hindi mo pwedeng pagalitan ng pagalitan pag nagkamali. Sapat na yung napagsabihan. Wag mong sasaktan. Hindi yan tulad ng lapis na walang nararamdaman. Pero ang lapis, pag patuloy ang pagtatasa, lumiliit. Parang tao na pag panay ang pagpuna sa mali ay minsan nakakababa ng kompyansa sa sarili. Yun bang bumababa ang self-esteem. Wag tayong ganun. Pwede tayong bumili ng panibagong lapis pero hindi tayo pwede bumili ng panibagong self-confidence once na nakasakit tayo ng iba. Mag-ingat sa mga binibitiwang salita. Pwedeng alam natin kung ano ang tama at oo, nagkamali siya. Pero hindi solusyon ang saktan siya pisikal man o hindi. Ang simpleng paninigaw sa kapwa ay may negatibong resulta sa tao. Kung ikaw kaya mong tumanggap ng mga masasakit na salita, wag mong itulad ang ibang tao sa’yo. Dahil ang iba, mas napapasama pag napapagalitan. Wag na lang kasing pagalitan para walang problema. Ang lahat ay nadadaan sa simple at mahinahong usapan.
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 07:54:10 +0000

Trending Topics



hrist Is God You may be wondering why the
PHILIPPINES CLI AND NONCLI AVAILABLE We are pleased to offer
اللهم إنك عفو تحب العفو فاعفو عنى
On the 5 th of December our dad the legendry Monty Pauls was

© 2015