HUMABOL SA HOLDAPER PATI PURI NAYARI Ni Cherk Almadin LOCAL NEWS - TopicsExpress



          

HUMABOL SA HOLDAPER PATI PURI NAYARI Ni Cherk Almadin LOCAL NEWS Ninakawan na ay sinira pa ang pagkababae ng isang 32-anyos na dalagang waitress na buong tapang na hinabol ang lalakeng puwersahang kumuha ng kanyang cellphone hanggang sa mawala ito sa paningin niya ngunit laking gulat na lamang ng biktima nang biglang sumulpot at hinila siya sa isang imburnal at doon ginahasa kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Mabilis namang nahuli ang suspek na si Basilio Antonino, 26, walang hanapbuhay at kasalukuyang naninirahan sa Pangarap Village, Barangay 181, Caloocan City dahil na rin sa tulong ng mga nagmalasakit na residente na hiningan ng saklolo ng biktimang itinago sa pangalang Vanessa. Nalaman sa pag-iimbestiga ni PO3 Catherine Rame ng Caloocan Police Sub-Station 4, na nangyari ang insidente ganap na alas-11:45 ng gabi habang naglalakad si Vanessa sa kahabaan ng Araneta Avenue sa Pangarap Village, galing sa kanyang trabaho at papauwi na sa kanilang tahanan. Bigla na lamang siyang nilapitan ni Antonino at puwersahang kinuha ang kanyang cellphone na nasa bulsa lamang ni Vanessa. Nang magtagumpay sa kanyang hangarin ay mabilis na sumibat si Antonino ngunit lakas-loob siyang hinabol ni Vanessa. Ilang kanto rin ang natakbo ng dalaga sa kahahabol kay Antonino hanggang sa nawala ito sa kanyang paningin. Sa kabila nito ay hinanap pa rin ni Vanessa ang suspek sa nilikuan nitong eskinita hanggang sa bigla na lamang may humila sa kanya sa ginagawang imburnal sa nasabing lugar. Laking gulat na lamang umano ni Vanessa nang itaas ng suspek ang kanyang suot na palda at walang pakundangang ginahasa siya. Kahit nagsisigaw umano siya ay walang sino man ang dumating hanggang sa maisakatuparan ng suspek ang panghahalay sa kanya. Agad ding tumakas si Antonino pagkatapos siyang gahasain subalit hinabol na muli ng biktima hanggang sa makita sila ng ilang residente at nakihabol na rin sa suspek na nauwi sa pagkakakorner nito. Binitbit ng mga residente patungo sa himpilan ng pulisya si Antonino at agad na sinampahan ng kaso. “Kahit naman po na hindi ko po siya maabutan namumukhaan ko po siya, nakikita ko na rin po siya sa lugar namin, ang kapal po ng mukha niya, mabubulok siya sa kulungan sa ginawa niyang pangri-rape sa akin,” ayon kay Vanessa nang makapanayam ng Abante-TONITE. Naghihimas ngayon ng rehas na bakal sa selda ng pulisya si Antonino na nahaharap sa mga kasong robbery-holdup at rape. admin xcrid
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 04:44:04 +0000

Trending Topics



class="sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> Lawmakers weigh in on electricity price hikes BOSTON (WWLP) -
To all the devoted followers of Zakir Naik who have been asking

Recently Viewed Topics




© 2015