Hi sir ton…sharing po lang po ng opinion at pagtinging ko po - TopicsExpress



          

Hi sir ton…sharing po lang po ng opinion at pagtinging ko po base sa inyong post po:-) Bilang isang kasapi po sir ton ng academic community, ako po ay sang-ayon sa suhisyon mo po. magkaroon ng mas accountable at transparent na mekanismo mo po na maging accountable ang ating mga politiko paano nila gagamitin at disburse po ang PDAF po. Pero sa isang banda, bilang isang aktibista, nangingibabaw sa akin ang pagiging cynical po kung talagang bang matutugunan ng mga bagong mechanismo at batas tulad ng FOI Bill sir ton ang maling kalakaran ng ating mga politico po lalo na yung nasa local goverments tulad ng ating mga kongresista po. Pero sir, sang-ayon po ako na dapat talagang ipasa ang FOI Bill po. Ang gusto ko lang sabihin sir eh, “we have all existing the rules, laws at mechanisms” po in place na, pero talaga kadalasan eh implementation talaga ang problem, at isa pang nakikita ko eh, ito ay obserbasyun ko lang naman sir bilang isang tao na patuloy na nag-aaral po ng masinsinan sa disiplina ng agham pampulitika po, tayong mga pinoy, or karamihan sa atin po ay kulang pa sa “political maturity” po na matatawag, kaya di pa lubos na cguro naiintindihan ng masang Pilipino po ang isyung kinakaharap ng bansa lalo na sa isyu sir ng corruption po na parang kanser na po sa ating lipunan po, na dapat gamutin ng lubusan para unti unting guminhawa po ang ating mga kababayan at ang ating inang bayan. Sa aking karanasan sa aming probinsya sir ton at karatig na mga probinsya, talagang talamak po ang di tahayang magandang paggamit ng PDAF po. Nakakamanglumo isipin na di talaga sir nagagamit ang PDAF bilang isang development fund na syang dapat maging isang daan para po mabigyan ng opportunidad po ang ating lokal na kommunidad po. Kahit di natin pag-usapan po ang PDAF scam sir, ang realidad po eh talagang di pa rin nagagamit ang PDAF sa tama nitong kalagayan po. Kadalasan talaga ginagamit ito ng mga politico para maghanda sa susunod na eleksyon at para mapalago po ng kanilang politikal na makinarya, at “command votes” po. Ang mga project na ginagawa na PDAF funded ay usually di naman po kailagan ng kommunidad at di ito “responsive sa needs” po ng kommunidad. Cguro sir, nasasabi ko ito dahil before ako po bumalik sa academya,, lumubog po ako sa mga gawaing pang kommunidad bilang isang HR aktibista po, at sobrang minsan o kadalasan, di ko kayang sikmurain ang kalakaran sa local na level po. Di ko naman nilalahat pero karamihan talaga sir, at alam ko sir na alam nyo yan po. Mas mahirap po actually ang pagsusulong na mapatupad ang accountability and transparency mechanisms po sa local na level kasi po dun, so far, ang karamihan ng tao ay nabubuhay sa politika at patronage system. Ala ibang hanapbuhay ang mga tao kung and “pulitika” po, at ang maghintay sa biyaya ng kung sino sinong pulitiko na kung saan ito rin po ay nagiging daan sa pagiging “complacent” ng mga tao at pag-payag na rin sa di tamang kalakaran po. I can speak sir po sa kalakaran ng region 8, lalo sa aking lugar, ang Samar po. Ang ganotng kalakaran ay totoo at di kailan man maitatangi ng aking mga kababayan na samareno po dahil ito ay REALIDAD sa amin po. Di ko naman po nilalahat sir ton, pero talaga ganito po ang kalakaran po. Kaya sa isyu ng pagtingin sir ton minsan kahit anong pilit kong maging “objective” sir, at intindihin, at umasa na maisasaayos din ito, minsan hirap po na di maging cynical po as n. Ito ay aking karanasan lalo sa probinsya at karatig probinsya namin na kung saan ako lumaki. Pero tama kayo sir, dapat pag –aralan mabuti ang lahat ng magiging hakbang po paano mai-sasayos po ang nasabing pork barrel/ PDAF po na maging makabuluhan ito at maging isang development fund na ginagamit sir para sa ikakaunlad ng maraming pinoy at di lang sa ikaka-kapal sir ton ng bulsa ng karamihan ng ating mga politico at “cohorts” nila po. Tama din kayo sa mensahe nyo sir ton na dapat di mawalan ng pag-asa at tiwala sa ating political na sistema sa bansa na sana po sa kalaunan eh mai-sasaayos din natin ang PDAF sa dapat nitong kalagayan at sa pag-gamit nito sa tama, - kung ang solusyun po ay di pag scrap dito kung di ang pag-reporma po dito. Pasensya na kayo sir ton, mas nangingibabaw po talaga ang dugong aktibista ko sa isyu na ito kaysa sa aking pagiging academiko po na matatawag. Subalit bilang isa sa aking hinahangaan na akademiko at aktibista na rin po sa inyonng sariling pamamaraan sir, wag kayo mag-alala sir ton, ako ay magbalanse sa aking puso’t isip sa isyu na ito. Ako po ay nag-aaral naman po sa isyu at nagbabasa ng “updates” po, at pilit kong try na maging balanse sa aking opinion at suhisyun po.. minsan po eh talaga, di ko mapigil lang sir yung “the other side of me” he..he..he..:-) ako ay nagagalak sir ton sa ganitong usapan po.. marami akong natutunan po:-) maraming salamat po sa oportunidad na ganitong talastasan po, talagang gusto ko ito sir...:-)
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 08:37:53 +0000

Trending Topics



style="min-height:30px;">
Vanzare & inchiriere vila 13 camere in zona Aviatorilor Aleea
How i wish our GEJ can follow in this mans footstep. We need
Each day I live, the pain consumes What little sanity I have
Documente rare si imagini ales, in cadrul noii licitatii
I know there is some controversy over this video but I love it. It

Recently Viewed Topics




© 2015