Huling simba ng lady boss (Nerlie Ledesma) ORION, Bataan --- - TopicsExpress



          

Huling simba ng lady boss (Nerlie Ledesma) ORION, Bataan --- Kagagaling lamang sa simbahan ng babaeng manager ng Orion Water District (ORIWAD) kasama ang mister nang pagbabarilin at puntiryahin sa ulo ng riding in tandem sa harap mismo ng kanilang bahay sa Bgy. Balagtas dito kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa St. Michael Hospital sanhi ng tama ng bala ng kalibre .40 baril sa ulo ang biktimang si Cecilia Tuazon, 58, habang nasa stable condition na ang kanyang mister na si Emmanuel Tuazon, 58, na nagtamo ng mga tama sa magkabilang kamay at kaliwang dibdib at nakatakdang operahan dahil may naiwang bala ng baril sa kanyang kamay. Kauuwi lamang ng mag-asawa galing sa pagsisimba bandang alas-8:30 ng gabi at pababa pa lang ng kanilang sasakyan na KIA van na may plakang WGN-518 nang paulanan ito ng sunud-sunod na putok ng baril ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo, kapwa nakasuot ng helmet at nakakapote. Kinapanayamng Abante ang imbestigador na si PO3 Fremelson Pinmiliw at sinabi nito na planado ang pamamaril at target ng mga salarin ang manager ng nasabing water district na unang binanatan pagbaba pa lamang ng kanilang van at sa ulo ito pinuntirya. Nakatuon umano ang takbo ng imbestigasyon ng pulisya sa trabaho ng nasawing biktima kung saan ay posible umano itong may nakagalit. abante.ph/issue/jul3013/luzon02.htm
Posted on: Tue, 30 Jul 2013 05:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015