Huwag Kang Reklamo Ng Reklamu Sabi ng ilan hnd biro ang isang - TopicsExpress



          

Huwag Kang Reklamo Ng Reklamu Sabi ng ilan hnd biro ang isang OFW dhl nakakapagod,walang na iipong pera dhl naubus na sa kapapadala sa kanilang mga pamilya,laging nag titiis at minsan ay nag kakasakit kaya reklamo sila ng reklamo,hnd daw maganda ang buhay sa ibang bansa,hnd dapat kainggitan ang pagiging isang OFW....at wala daw silang perang naipon ...kaya sasagutin natin ang mga reklamong ito? 1.Una ano ang trabaho sa ating bansa noong ikaw ay hnd pa nakapag abroad?..may sahod kabang malaki?nag tatrabaho kaba sa goberno?maganda ba ang buhay mo?o baka nmn kabilang ka sa mga taong HND MARUNONG MAKUNTENTO KAHIT NA ANO PANG GANDA NG BUHAY NA IPAG KAKALOOB SAU NG MAHAL NA ALLAH? Sa isang ordinaryong SIKAD SIKAD DRIVER NA KATULAD KO,namulat ako sa hirap ng buhay sa atin,kinagisnan ang pagtitiis at isang kahig isang tuka,walang mapasukang magandang trabaho sa goberno at wala ding magandang hanap buhay kundi ang PAG BABANAT NG BUTO sa matinding sikat ng araw,wala ring pera at lalong walang naiipon kayat tinakasan ang hirap ng buhay upang hanapin ang magandang kapalaran... Nag disesyon tayo na makapunta sa ibang bansa dhl sa sobrang hirap ng buhay,nangako sa sarili maging sa ating mga magulang at mahal sa buhay na kakayanin ang lahat ng pasakit at titiisin ang bawat pagod upang labanan ang hamon ng buhay at gaganda ang ating kinabukasan matakasan lamang ang hirap ng buhay sa ating sariling bayan,hanggang sa NAKAPAG PEDUS na tayo ay lagi paring itinanim sa ating pusot isipan ang pag titiis at laging pag papakumbaba sa ating mga naging amo... Ngayon nandito kana sa ibang bansa,may trabaho,may sahod,lagi kang nag rereklamo dahil pagod na pagod kana at gusto mo ng makauwi dahil hanggang sa ngayon wala ka paring NAIIIPON AT WALA KA PARING PERA,dhl nauubus muna sa kapapadala sayong mga magulang,asawa at anak maging sa ating mga mahal sa buhay,ngunit hnd mo ba naiisip na ang bawat padala mo sa kanila ay napakalaking tulong mo sa kanila sa pang araw araw nilang buhay at kulang pa itong kapalit mula ng isinilang ka nila at inaruga mula sa murang isipan... Mula ng nakapag abroad kana nabago na ang iyong buhay,nakukuha mo ang gusto mong makuha,maging sa iyong pananamit,sa iyong mukha at sa iyong sarili,kung hnd ka sana nakapag ABROAD hnd ka ganito sa narating mo sa ngayon at sa perang pinapadala mo sa mga mahal mo sa buhay,natutulungan mo sila sa kanilang pang araw araw na buhay,sa kanilang pag aaral,at maging sa kanilang kinabukasan,kung doon ka lamang sa kanilang tabi hanggang ngayon isa kapa sa prblema nila kung paano ka nila PALALAMUNIN dhl sa hirap ng buhay... Kaya wag kang reklamo ng reklamo,matotoo kang mag pasalamat sa ALLAH dhl natakasan mo ang hirap ng buhay,higit kang mapalad sa iba dhl hnd lahat ng gustong makapunta ng ibang bansa ay nag tatagumpay,malayo man tayo sa ating mga mahal sa buhay,at nananabik man tayong makasama at makita sila mayroon naman itong kapalit ito ay ang bawat padala natin sa kanila na tulong,darating din ang araw na uuwi kana at hnd na babalik sa ibang bansa ang mahalaga hnd ka nakalimot sa iyong pinag mulan at nakatulong ka sa iyong mga magulang,asawa at mga anak at daraing din ang tamang panahon na ikaw naman ang kanilang matutulungan..... Kaya tama na ang reklamo,mapalad ka at may maganda ka ng trabaho sa ngayon hnd tulad ni JUAN DELA CRUZ na mag pahanggang sa ngayon ay NANLOLOKO PARIN NG TAO SA ATING BANSA DHL SA TAWAG NG PANGANGAILANGAN at walang NAAATRASAN....
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 12:00:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015