I am no blogger. Minsan napapaisip ako kung ano ba talaga ang - TopicsExpress



          

I am no blogger. Minsan napapaisip ako kung ano ba talaga ang kakayanan ko bilang isang manunulat. Minsan hindi ko alam kung tama ko bang naipapahayag ang gusto kong sabihin. Minsan hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang gusto kong ipunto sa pagsusulat ko. Minsan hinahayaan ko na lang na kusang magtype ung daliri ko sa paggawa ng isang makabuluhang blog sa tumblr at hindi na paulit-ulitin pang basahin, hinahayaan ko na lang isulat ng aking mga daliri kung ano ang naiisip ko ng hindi ito pinag-iisipan. Madalas, habang nagbabasa ako ng blog sa tumblr nawawalan ako ng abilidad para magsulat kasi mas naeexpress ng iba ang gusto kong ipahayag. Bilang isang blogger marami pa rin akong hindi alam at marami pa rin akong gustong matutunan. Bilang isang blogger alam ko na mas may hihigit pa sa kaya kong gawin. Gayunpaman, sa isang pagpapahayag na sa sarili ko mismo nagmula, alam ko na kaya ko pa itong i-improve sa mga susunod na araw. :) #KeepTheFaith #TumblrBlogger
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 04:44:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015