IAPAweder-weder Pinahihina ng mas malakas na low pressure area - TopicsExpress



          

IAPAweder-weder Pinahihina ng mas malakas na low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang namumuong sama ng panahon na namataan sa layong 750 kilometro sa silangan ng Luzon. Ayon kay Pagasa forecaster Fernando Cada, maaaring higupin ng nasabing LPA ang mas mahinang weather system sa mga susunod na araw. Wala namang umanong dapat ikabahala hinggil sa malayong weather disturbance formation dahil patungo ito sa Japan at hindi tatama sa ating bansa. Gayunman, ang mga kaulapang dala ng mas mahinang LPA ay posible pa ring magdulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa dahil nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin na may magkakaibang temperatura sa Pacific Ocean. SOURCE: Bombo Radyo @_@ BAMBANTI @_@
Posted on: Thu, 12 Sep 2013 00:53:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015