.......= ITS MY LIFE=........ 1st epesode= Sa isang probinsya ng - TopicsExpress



          

.......= ITS MY LIFE=........ 1st epesode= Sa isang probinsya ng DAvao nakatira ang pamilya ni LEANA kasama ang kanyang mga magulang na sina LEANDRO at Leona at ang kanyang 4 na kapatid..... Nasa gitna ng bukirin ang kanilang munting kubo napaligiran ng mga tanim nilang mais at mga gulay.. Mang Leandro :gising na kayo mga anak walang pasok ngayon tutulong kayo sa akin maglinis dyan sa taniman ng mais. Aling Leona : mag agahan mo na tayo bago kayo pupunta doon sa maisan.. Leana : mama kaming dalawa lang ba ni ate MYRA pupunta sa maisan? Aling Leona :hindi anak may mga nagtatrabho ngayon sa maisan binabayaran ng papa mo kasi di na natin kaya ang laki na ng maisan at kailangan malinisan kaagad......segi na tawagin mo na ate mo Myra. Leana : opo mama Myra : mama ayukong pumunta s maisan mag lalaba nalang ako.. Aling Leona : hindi...samahan mo si Leana mghatid mn lang ng mga meryenda doon para sa mga nagtatrabaho s maisan.....sige na gisingin mo na mga kapatid mo para mailigpit narin mga pinaghigaan nyo jan. Myra :opo mama sa bukid habang naglalakad sina Myra at Leana dala nila ang basket ng mga pagkain para sa mga nagtatrabaho. Myra:kakapagod talaga pag walang pasok sa school dito talaga sa bukid ang bagsak natin... Leana: oo nga ate kaya pag bukas ng pasukan mag aaral na talaga ako... Myra : di pa kasi pwede kasi 6 yrs old ka pa lang eh dapat eksaktong 7 yrs old kn mag grade one. Lena : ah basta mag aral na ako para di na ako pupunta dito sa bukid kakapagod kaya.. Dumating ang araw ng pasukan...grade two na si Myra...at nag enrol talaga si Leana ng grade one....matalino si Leana dalawa sila ng ate Myra ny 1st honor silang dalawa hanggang natapos nila ang elementarya sa bayan nila.. Mang Leandro : salamat sa panginoon nakatapos na kayo sa elemenatarya nyo mga anak...at ang mga kapatid nyo namn ang mag aaral ngayon...di na muna kayo tutuloy sa high school kasi di natin kaya na tustusan ang panggastos sa pag aaral nyo sa lungsod. Myra : di ako papayag may schoolarship ako...at magagamit ko yun para makapagpatuloy ako sa aking pag aaral papa.. Leana : ako din sisikapin ko na itong taon na ito mag garduate ako s aking grade six sana 1st honor din ako para makakuha din ako ng schoolarship kagaya ni ate..basta di ako titigil sa pag aaral papa Mang leandro : oo sige na mga anak pag usapan pa namin yan ng mama nyo. Nag graduate si Leana ng grade six hindi cy naging 1st honor...pangalawa lang sya.... Myra : ohh tingnan mo second honor ka lang Leana talagang ikaw muna ang tutulong sa bukid ni papa sa susunod kana mag aral pagkatapos ko... Leana : ayuko nga kakausapin ko si mama na sasabay akong mag aral sayo ng highschool sa lungsod ate.... Myra : hmmm oh sige matulog kana dyan at maaga pa tayo bukas sa bukid...magdasal tayo bago tayo matulog na sana payagan tayo ng mga magulang natin na sabay tayo mag aral sa lungsod... Leana : okeyyy ate. ......sana mabasa at masubaybayan nyo mga katambayerzzz ang pangalawang epesode ng buhay ni LEANA sa lungsod ng kanyang pag aaral... Sa mga may anak at kapatid na nag aaral pa lalo na napakahirap ang buhay ngayon pag wala kang pinag aralan...dapat aayusin nyo ang pag aaral nyo kasi ang lahat ng matutunan mo na talino ay para lang talaga saiyo..... Abangan nyo po ang epesode #2 ang story natin....."ITS MY LIFE" *linksys*
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 08:20:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015