If you don’t have a lovelife, there’s one thing you should do: - TopicsExpress



          

If you don’t have a lovelife, there’s one thing you should do: LOVE LIFE. umaasaparin: Hindi Ibig sabihin na wala kang girlfriend / Boyfriend ay dapat ka ng maging malungkot. Dahil ang pagmamahal hindi lang yan pwedeng madama pag nagkaron ka ng partner. Maraming klase ng pagmamahal: Pagmamahal mo sa ibang tao. Pagmamahal mo sa sarili. Pagmamahal mo sa mga bagay na nasa paligid mo. Pagmamahal nila sayo. Siguro nga, nagdadrama tayo pag iniwan tayo ng boyfriend/girlfriend natin, Pero sinu-sino bang mga tao ang nandyan para damayan ka? Nanay mo Tatay mo. Bestfriend mo. Closefriend mo. Kapamilya mo. Mga kapitbahay mo. Mga kaibigan mo. At pwede naring mga taong hindi mo pa nakikilala sa personal pero nakausap mo na, katulad nalang sa mga ganitong social networking sites. Sa kakaisip mo ng sakit na nararamdaman mo ng dahil nag break kayo, iniwan ka niya, etc.etc. Matanong nga kita, Ni isang beses ba naalala mo man lang magpasalamat sa mga taong andyan para damayan ka? Yung simpleng: Pagtapik sa likod sa mga kaibigan mo, sabay sabi na “Bes, Thank you ah. kasi masaya man o malungkot andyan ka palagi para sakin.” Yung tipong, “Ma, Pa, Salamat po ah, kasi hindi ka nagsasawang alagaan at gabayan ako, kahit na minsan o madalas nasasaktan ko kayo o hindi ko sinusunod yung mga gusto niyo. andyan parin kayo, hindi niyo ko pinapabayaan. Nay, Tay mahal na mahal ko po kayo.” O di kaya, “Dude, sensya na ah. alam kong minsan, pag nagyayaya kayo na umalis. di ako nakakasama. Salamat sa pag intindi ah.” O kaya naman, “Teh, lam ko may nasabi akong masama sayo dati, hindi ko naman po talaga gustong masaktan damdamin mo. masyado lang po akong nadala sa emosyon ko. Kung sana po may magagawa ako para maging okay ulit yung feeling mo. eh gagawin ko po. Mahal po kita ate.” YANG MGA SIMPLENG BAGAY LANG YAN, NAGAGAWA BA TALAGA NATIN YAN? Gusto ko lang iparating na hindi man natin napapansin, May mga taong sadyang iniintindi tayo, mga taong gumagabay satin, mga taong nag aalala satin, dahil sa isang simpleng rason. MAHAL NILA TAYO. Kaya wag mong isipin na dahil naghiwalay kayo ng bf/gf mo. Katapusan na ng mundo mo. wala ng nagmamahal sayo. Bago ka mag isip ng mga ganyang bagay. Isipin mo din muna kung ano rin ang nararamdaman nila pag nakikita o nalalaman nilang nagkakaganyan ka. sa tingin mo ba natutuwa sila? mahalaga ka sa buhay nila. Kaya sana bilang ganti at pasasalamat narin. pahalagahan at ingatan mo rin ang buhay mo. :)
Posted on: Sun, 04 Aug 2013 12:34:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015