Ilang guro, estudyante hinostage ng BIFF sa N.Cot. Written by - TopicsExpress



          

Ilang guro, estudyante hinostage ng BIFF sa N.Cot. Written by Bombo News Team Published in Top Stories Monday, 23 September 2013 11:03 0 0 KIDAPAWAN CITY - Ilang mga guro at estudyante ng Malingao Elementary School sa Brgy Malingao, Midsayap, North Cotabato ang hinostage umano ng miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) simula pa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang negosasyon ng mga lokal opisyal para mapalaya ang mga biktima. Sa panayam ng Bombo Radyo Col. Dickson Hermoso, spokesman ng 6th Infantry Division spokesman, pasado alas-2:00 kaninang madaling araw nang inatake ng mga rebeldeng ang isang CVO outpost sa Barangay Rangeban pero nagresponde ang mga tropa ng pamahalaan. Sa pag-atras umano ng BIFF dakong alas-8:00 ng umaga sa Barangay Tugal ay nadaanan nila ang ilang mga sibilyan na ginawang hostage kasama na ang ilang mga guro at estudyante. Nagkagulo naman sa mga paaralan sa bayan ng Midsayap dahil nataranta ang mga guro at estudyante sa nangyaring pangho-hostage ng mga rebelde. Dahil sa pangyayari pinauwi ang mga mag-aaral sa Midsayap Pilot Elementary School dahil pangamba na posibleng maging target din silang salakayin ng mga rebelde. Sa kasalukuyan ay dumating na ang karagdagang pwersa ng militar at pulisya sa bayan ng Midsayap. Isa namang mister ng isa sa mga guro na pinipigil ang naglabas ng sama ng loob sa Bombo Radyo kung bakit may intelligence report na nitong nakaraang araw ay hindi pa naghigpit ng husto ang mga otoridad at napigilan sana ang naturang pangyayaring. (w/ report from Bombo Garry Fuerzas) - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/23654-ilang-guro-estudyante-hinostage-ng-biff-sa-n-cot#sthash.6duTqKzE.dpuf
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 03:33:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015