Illegal expats umaapela sa Saudi king Ni Aries Cano Umapela ang - TopicsExpress



          

Illegal expats umaapela sa Saudi king Ni Aries Cano Umapela ang mga manggagawa mula sa Bangladesh, Pakistan, India, Indonesia, Egypt, Sri Lanka at Pilipinas kay Custodian of the Two Holy Mosques King Abdullah na palawigin ang amnesty period. Ilang araw na lamang bago ang deadline sa Hul­yo 3, nanawagan sa Saudi king ang mga illegal expatriate worker pati na ang mga ministry, foreign governments at business people para magbigay pa ng extension at huwag munang ilarga ang crackdown. “Only 10 percent of workers have completed their paperwork and thousands still have to fix their status,” pahayag ng isang expat sa panayam ng local press sa Kingdom. Inanunsyo ng Passport Department at labor office na ilalarga na ang mga gagawing raid kapag natapos na ang tatlong buwang grace period. “We are very worried and under pressure. It’s our humble request to the king of the people to announce an extension of the amnesty period because thousands are waiting for his kindness,” sabi naman ng isa pang manggagawa. admin chiz
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 18:00:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015