●/ Ingat sa malisyosong texts hinggil sa MNLF - OPAPP /▌ / - TopicsExpress



          

●/ Ingat sa malisyosong texts hinggil sa MNLF - OPAPP /▌ / Written by Bombo News Team Published in Latest News Saturday, 27 July 2013 22:31 Nagbabala ngayon si Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Undersecretary Jose Lorena laban sa mga kumakalat na malisyosong text messages hinggil sa maling impormasyon para magkagulo sa Mindanao. Una ng kumalat ang text messages na nagsasabing nakatakda umanong magtipon ang Moro National Liberation Front (MNLF) at magdeklara ng kalayaan para iprotesta lumalabas na balitang sarado na ang national government sa 1996 Final Peace Agreement. Sinabi ni Lorena, dapat maging mapanuri ang publiko sa mga maling impormasyon at maging kalmado dahil maingat ang paghawak ng gobyerno sa peace and security situation sa Mindanao. Ayon kay Lorena, mas mabuting isangguni sa mga mapagkakatiwalaang sources ang mga ganitong impormasyon at unawain ang konteksto bago bumuo ng anumang konklusyon. Una na ring pinayuhan ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang mga kababayan na mag-ingat sa magpapadala ng mga mensaheng galing sa hindi tiyak na sources at layunin lamang magpakalat ng takot o pagkaalarma sa publiko. "We urge the public to be critical against false information. We also call for sobriety as our government, both national and local, are carefully handling the peace and security in Mindanao. It is best to seek out information from reliable sources and understand the context before making conclusions. We rely on the public to guard the process," ani Lorena. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/14435-ingat-sa-malisyosong-texts-hinggil-sa-mnlf-opapp#sthash.qIRZd2bx.dpuf
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 14:49:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015