Isang malungkot na pangyayari ang biglang pagpanaw ni Alex - TopicsExpress



          

Isang malungkot na pangyayari ang biglang pagpanaw ni Alex Rodriguez. May limang taon pa lamang mula nang muli kaming magkatagpo pagkaraan ng mahigit tatlong dekada. Hindi man naging kaklase sa haiskul, isa si Alex sa aking malalapit na kaibigan at kasama. Isa siya sa mga maaasahang kasapi ng balangay ng Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK) na binuo namin ni Ric Pinca sa AHS. Kilala sa mabuting pakikipagkapwa, pakikisama at pagiging palabiro, si Alex ang taong madaling makahulugan ng loob, ika nga. Malaking bahagi ng aking pagkatao ang napigtas sa kanyang pagyao. Isang malaking karangalang nakilala kita, Ka Alex. Maraming salamat sa lahat. Paalam, mahal kong kaibigan, kasama, at kapatid.
Posted on: Wed, 26 Mar 2014 11:37:24 +0000

Trending Topics



">
Motorola EX115 Unlocked Dual SIM Phone with 3 MP Camera, MP3

Recently Viewed Topics




© 2015