Just want to share this love story galing sa kapwa nating - TopicsExpress



          

Just want to share this love story galing sa kapwa nating Bi.. Most of us believes and wishes that every fairy tale shall always end in a happy ending… Not all...even the most beautiful buds of roses fades, an amazing sunrise eventually subsides and a romantic words “I Love You” falls into hatred. We cannot know how and when we can be able to say that YOU and I is #forever or must to say #walang forever… This real life love story of mine teaches me many things about love, from a young love to a matured commitment relationship and eventually making a biggest decision of my committed life…….. Currently, I am 22 years old & working professionally, a dreamer and always a believer of a happy ending…For the sake of confidentiality, tawagin nyo na lang akong #Zhenze… 2ND year College ako when I receive a message from unsaved number, “THE UTMOST ACCEPTANCE OF YOURSELF BEGINS IN TRUSTING YOURSELF”.. Di ko lang pinansin ang message pero napaisip ako kasi I am not totally out kung anu talaga ako sa family ko and even sa mga friends ko except to my best of friends. Two days ang nakalipas habang nasscan ako ng mag inbox ko nakita ko ulit message na yun. Then, out of curiosity, I replied, “Hi, thanks for the message, it was an irony..hahah” Nagreply sya at sabi “ Hello, bakit ngayon ka lang nagreply medyo matagal na ko nagmessage sayo ahh, anyway, musta ka na, nakita pala kita sa gymnasium kahapon sa PEP-Squad rehearsal nyo ahhh…” I was like, ahhh kilala pala nya ako, and totoo naman kasi member ako ng PEP-Squad sa Institution namin. My next reply was tinanung ko sya kung sino sya at bakit kilala nya ako and he says, He was #Lerran (not his real name), at nag aaral sa Marine School taking up Marine Transportation. Nagpatuloy ang pag papalitan namin ng messages and calls. Masaya sya kausap, makulit, malambing at may sense. Hanggang dalawang buwan na ang nakakaraan then we decided na magkita na kami para naman makilala namin ang isat isa. Sabi nya sya na daw bahala sa venue and everything.. July 17, 2010 ang agreed date ng meet up namin and he forwarded the venue, PARADISE RESORT, 6 pm to 10 pm, wear Blue Polo Shirt. It was a pool of emotion to me, Excited kasi makikita and makikilala ko na sya and at the same time kinakabahan kasi di ko alam ano mangyayari.. Dumating ang araw ng pagkikita namin, it was 2 hours travel from my apartment kaya 4pm pa lang umalis na ko na kabang kaba at di mapalagay ,wala na din syang messages kasi napag agreehan namin na di na kami mag memessage at sa venue n lang kami magkita… dumating ako ng around 6:15 at sa entrance pa lang ng resort, di ko na alam gagawin ko, halos gusto ko na ulit bumalik ng apartment kasi di ko na alam panu ihahandle ang situation… Pero I have to face my fears kasi sabi ko sa sarili ko pano kung sya na.. pano kung sya na magpapasaya sakin, this is a so-so chance na di ko dapat palampasin. I entered the entrance gate and proceeded sa may function room/dining room, it was a romantic place full of roses sa entrance pa lang and makikita mo sa window wall sa loob na ang daming couple with their families na ang sasaya. Biglang mas lalong lumakas kaba ko ng lumakad ako sa may hagdan papuntang receptionist. Pagdating ko sa may reception area nakita ko na agad ang naka blue na polo shirt na nakatalikod sakinhabang nakaupo, he has broad shoulder, kaya bigla akong bumalik sa may poolview para mag ipon ng lakas ng loob. Di ko na namalayan na kanina pa pala ako tinatanung ng Receptionist ng “Any reservation Sir”… sasagot na sana ako sa muling tanong ng receptionist ng biglang may humawak sa balikat ko sabay sabing..” Yes, Miss kasama ko sya…” Para akong nagfreeze sa kinatatayuan ko at nang humarap ako sa kanya, I saw him face to face so close like an inch of separation. Yung feeling na parang tumigil mundo mo..Yung feeling na totoo ba nakikita ko…Kita ko ang maganda nyang mukha and his manly odor surrounded us na parang the world stop rotating and angels are singing lullabies. Binasag nya ang katahimikan ng sabihin nyang “ kanina ka pa #Zhenze?dun na lang tayo sa table mag usap” sabay akbay sakin at sumunud na lang ako na parang Zombie sa kanya cause I can’t take my eyes off of him. Naupo kami sa table and tinawag nya crew for our meal….Its Sea foods…nabigla ako kasi allergy ako sa seafoods at ng nakita nya facial expression ko tinanung nya ako kung any problem daw., di ko alam sasabihin ko kasi ayoko naman sya mapahiya sa effort nya sabay sabi ko na lang na “ No, ok lang…dami nito ahh, parang fiesta tayo ngayon, hehehe…” Nagsimula kami mag usap, at naaalala ko pa ang unang unang tanung nya sakin…”Bago, tayo magkwentuhan, anu muna ang first impression mo sakin…” tanung nya na habang seryoso ang mukha at habang nilalagyan nya ng pagkain ang plate ko…Di agad ako nakapag salita kasi nablanko talaga utak ko sa mga oras na yun..kaya nagplay safe na lang ako sa sagot ko… “ ahh ehh, actually, pumunta ako dito without any expectation sayo kasi at first gusto lang talaga kita makita at makausap kasi I know, mabait kang tao..ayun lang, hehe..” Natawa sya sa sagot ko at alam na alam nyang nagpiplay safe lang talaga ako…hahaha…(awkward)… Nagsimula kaming magkwentuhan nang mapansin nya na di ko nagagalaw yung food ko, kaya ayun kumain na lang ako kahit alam ko na allergy ako dun...pakonti konti lang para di agad ako mangati. Sa buong pag uusap namin sa araw na yun karamihan safe lang talaga sagot ko kasi di ko alam kung panu sagutin mga tanung nya. Nagtanungan kami about sa family background namin, ex’s, studies hanggang dumating kami sa “relationship”. Medyo awkward lang kasi mukhang napaghandaan nya ang topic na yun, ehhh ako nganga lang..hahaha…Chill lang ako sa mga unang tanung pero ang di ko talaga nasagot yung question nya na …” Paanu kung isang araw magising ako na mahal na kita, mamahalin mo din kaya ako?” … di talaga ako nakasagot agad, kaya nasabi ko na lang.. “Di naman tayo nagmamadali diba, may panahon sa lahat ng bagay, di ko masasabi na mahal na kita ngayon, bukas o in the following weeks, basta ang alam ko sa ngayon, mabuti kang tao, at masaya ako na kasama kita”.. Di ako makatingin ng diretso sa kanya pero alam ko na napaisip sya…and that concluded our dinner.. Lumabas kami ng pool view para maglakad lakad, sayang at wala kaming dalang swimming attire para sana nakapagpaligo kami..Sa totoo lang ayokong matapos ang gabing yun, yun yung unang nakaramdam ako ng importansya sa isang taong bago ko lang nakilala..Masaya na nakakapuzzle kasi di ko alam kung panu ihahandle ang ganung sitwasyon because that is the first time na pumasok ako sa ganung sitwasyon.. Around 9:30 pm., kami nag decide na umuwi na, kasi malayo pa byahe ko at di ko alam na nagrerentr din pala sya ng apartment near sa school nya. Inihatid nya ako door to door sa apartment with a big smile tsaka pumasok na ako ng gate sabay sabing “ Good Bye! Ingat ka”. Sya..” Goodbye! Tawag ako pag nakarating na ko ng apartment… It was a moment to celebrate,I am in the edge of my emotion, Yung tipong nakapikit kana para matulog tas nakasmile ka..tapos bubukas mata mo ng nakangiti pa din…haissssttt….. feeling so Loved!!..kahit na nangangati na ako ng sobra nakasmile padin dahil sa allergy..pero uminum agad ako ng gamot ko kaya nging ok na man ako. To make the story short, it was Love month (February, 2011) nang ipaalam nya sakin na sasali daw kami sa isang Big Camp Challenge na gaganapin sa isang open space arena. Sa una ayaw ko kasi di nya sakin sinasabi kung anung event pero di ko sya natiis so napaoo na lang ako. It was February 14, 2014 (Valentines day) sabi nya suot ko daw yung binigay nya sakin na Red shirt with a Big Heart at yun naman ginawa ko..Sinundo nya ko around 6:30 in the evening sa apartment papuntang venue.(kulitan habang nasa sasakyan)…Pagdating sa venue, nakita ko ang daming tao, it was an overwhelming people everywhere, nakasuot din sila ng suot naming damit kaya nagtaka na ko sabay ngiti lang sa kanya.. It was Bamboo singing sa main stage, kaya mapapaindak ka talaga,,we dance in the rhythm of Close(Power of your Smile) TO INSERT LINK OF “CLOSE”by Paolo Santos… That time ko lang naisip na it’s the themesong of LOVAPALOOZA…yahhhh…its Lovaplooza, the kissing tradition of couples and partners during Valentines Day!...I was a bit nervous pero masaya…I just go with the flow nang may biglang may nagsalita sa stage it was Nikki Gil, hosting the event, she gave the instruction on what to do. And alam ko naman ang mangyayari kaya go na lang ako, It would be a day of celebration… FIVE, FOUR, THREE, TWO,…..ONE!!!(MOONLIGHT OVER PARIS – MUSIC) We kissed for about 15 minutes, feeling the lips of each other, and sharing each breath…it was my first kiss with him..it was tender, sweet and breath stopping..Ang alam ko lang sa mga oras na yun ay mahal ko na ang taong to…And he deserve more than what we have now… It was an amazing experience na ayaw kong makalimutan… ang sarap ng pakiramdam na ayaw mo nang makawala sa pagkakayakap nya, so tight that youll be feeling safe and relieve… at sa harap at tabi ng napakaraming tao, that made me feel so proud and accepted…Yung feeling na wala nang makakapag hiwalay sa inyo.. Till death do us part… While dancing, bigla sya nagsalita, “ Almost 1 and a half years na tayong magkakilala siguro napanindigan at napatunayan ko na sayo yung sinabi ko nung unang date natin na mahalaga ka na sakin, na sabi mo ang relationship ay hindi one day process..alam mo #zhenze pinakita ko sayo ngayon kung anu ako at sino ako, alam ko di pa sapat kasi di pa tayo, mahal na kita at di ako mahihiyang ipaalam yan sa lahat ng tao, at alam ko pinakita ko sayo ang ako, sana natanggap mo di lang yung mga best ko, sana pati yung worst ko dahil yun ako…” Di ko namalayang naluha na pala ako sa kanyang mga sinabi…at tumugon naman ako “ Oo, #Lerran, napakabuti mong tao, di na ko magpeplay safe sayo, lahat ng pinakita mo sakin be it good or worst tanggap ko yun,, at Oo Mahal na kita… For all the effort na ginawa mo, naappreciate ko yun lahat…..salamat…salamat..”..” So Meaning tayo na?”..Isang halik na lang naitugon ko sa kanya, sign na Oo pumapayag na ako…Mahal ko na ang taong to..Mahal na mahal.. Fastforward, Graduating na kaming pareho nun, kaya ang saya saya namin..naaalala ko pa noon..may mga subject kasi akong gabi na kaya sinusundo talaga nya ako sa school para daw lagi akong safe at kung di man sya nakakapunta tumatawag talaga sya hanggang makauwi ako ng apartment..ang sarap alalahanin ang mga sandaling ito…One month before ng graduation namin napag usapan din namin na pupunta kami sa bahay nila para ipakilala ako sa Mommy nya at sa kapatid nya…Sa una ayaw ko pumayag kasi in the other hand alam ko pag ginawa nya yun sasabihin nyang gawin ko din sa side ko, pero hindi pa ako handa, hondi pa nila alam na ganito ako at may partner na ako….mahirap pero yun ang totoo.. Naipaliwanag ko naman sa kanya, at pumayag sya na di pa nya sakin hihingin yun kaya pumayag na din ako.. Pumunta kami sa bahay nila, at nadatnan namin ang mama nya na nagluluto, nag mano sya at bumati naman ako ng Good evening ! at nagmano din…di na ako nakapagasalita, Pumunta kami sa may sala at dun ko na lang hinintay si #baboy (yun pala tawagan namin..lol), habang nagluluto ang mommy nya…Nung natapos na sya, tumabi sya sakin at kinausap ako kung handa na daw ba ako…sabi ko di ko alam, sabi nya namn maiintindihan u=yan ni Mommy..Mahala na mahal ako nyan at supurtado naman nya ako, biglang may nagsalita sa likod naming…”Rel, sya ba ang kwenikwento mo sakin?”, Nabigla ako kasi alam na pala ng Mommy nya, na kwenikwento na pala nya ako sa Mommy nya..agkatinginan kami sabay smile lang sya sakin…” Oo Ma, sya nga,…sya po yun,”.. “ ahh, kaw pala yun kwenikwento ng anak ko, Musta ka naman #Zhenze?” di ako nakapagsalita agad kasi pati name ko alam na din nya, sobrang bigla ko talaga..haisssst…nautal pa ata ako nung sabihin kong “ahh, o-ok lang po ako, kayo po?” wala akong maisip na sagot sa oras na yun…nanlamig ako at hinawakan ni baboy kamay ko kahit nasa harap namin ang mama nya…nahiya ako tumingin sa kanya at sa mama nya..parang gusto kung matunaw sa panahong yun., di ko maintindiahan nararamdaman ko..pero alam ko masaya ako.. Nung na at is na ako, deredretso na usapan namin ng mama nya, masaya syang kausap, andun yun mahal na mahal nya talaga ang baboy ko, na supuratado talaga nya ang mga desisyon ng anak nya..Mahal na mahal nya si baboy..(wala na palang syang ama). Napag usapan din namin kung panu namin cecelebrate ang graduation ni Baboy at pinapupunta nya din parents ko..pero napakaopen mended ni #Mommy kasi sinabi ko sa kanya na di pa ako handa na ipakilala ang anak nya sa mga parents ko at naintindihan naman nya…I have to consider everything para maging ok ang lahat…pero alam ko na matatanggap din ng parents ko yun pero di pa sa panahong yun. Napag usapan naming lahat lahat kasi ang saya saya nyang kausap.. nag enjoy kami…dahil gabing gabi na napag pasyahan na din naming na matulog na…sa kwarto ni Baboy kami natulog, malaki kwarto nya kaya masarap magharutan hahaha…di pa kami nakatulog kahit late nang gabi..Rated SPG susunod na nangyari..hahah..lol…but it was my first time, and I believe He deserves it..Mahal na mahal ko sya at ganun din sya sakin..Almost three years na kami nun, kaya napatunayan na siguro nya na he is worth of it…Bleeeeehhhhh To shorten, masaya naging graduation namin, mas nauna sakin kaysa sa kanila, pumunta sya samin, at gaya ng napag usapan walang makakaalam, ill introduce him as my friend together with his friends…Naiintindihan nya na kelangan ko yun gawin dahil alam ko na di pa handa family ko sa ganung mga bagay..dahil dyan kaya mahal na mahal na mahal ko si #baboy. Pagnagkakatitigan kami ng gabing iyon, nagtatawanan lang mga mata naming at yung feeling na miss na miss mo na sya…One time, tumabi ako sa may table nila naupo ako sa tabi nya at palihim kaming nag holding hands sa ilalim ng mesa..Haiiist..ang sarap lang balikan ang mga oras na yun, Minsan ay sabay kami kunwari mag ccr at dun naming lalabas pagkamiss sa isat isa, kulitan, kurutan at kiss..hahah…Natapos ang celebration ng maayos at so far wala namang nakahalata sa mga family ko… Masaya din naging celebration namin ng graduation nya, pero kaibahan lang mas open kami dun, pwede kami maging sweet in front sa Mommy nya and sister nya…Masaya yung feeling na taggap ka na..Yung feeling na natagpuan mo na tunay na taong mamahalin ka endlessly…haiiist… After celebration, madaming bagay kaming napag usapan, ang daming tanung na naiwang tanung pa rin samin, yung di namin masagot kung pano na…Pero alam naming kaya namin yun…It will just challenge our relationship…Mahal na mahal namin ang isat isa..sya lang ang Baboy ko…haiiist.. Yung feeling na You and him against all odds… After a month from our graduation, mas nauna syang nakahanap ng work dahil sa connections ng #mommy nya.. and it was Cruise Ship na Based sa Hongkong..Di ko alam pano ihahandle ganitong situation magiging LDR kami, at worst di kami nasanay na magkalayo..it was our first time na magkakalayo…A month after his Trainings, kelangan na nyang umalis at sumakay..it was such a heartbreaking saming dalawa, di ko alam pano maging strong without him..kahit bago pa man sya sumakay we spent our days together palnning for our future at para paghandaan ang araw na to..Nagkapangakoan pa kami na walang iiyak during his flight. Pero di ko napanindigan lalo na nung niyakap nya ako at sinabing mahal na mahal na mahal nya ako..di ko napigilang bumuhos ang luha ko, a tears of emptiness, sadness and of course fulfillment para sa kanya pero kailangan kong magpakatatag..mahal naming ang isat isa kaya gagawin naming lahat para maibigay yun…Yakap ako ng kapatid nya nung umalis plane nila…Nakakaiyak pero masaya ako sa kanya kasi natupad na din nya ang isa sa mga pangarap nya… Months passed, Naging ok naman ang takbo ng relationship namin habang nandun sya…Lagi kaming nag sskype at tawagan kapag free nya..Ako naman ay nagtrabaho at nagpapakabusy habang busy din si baboy…Masaya kami kahit magkalayo kami…Mag asawa na turingan naming ni Baboy…as a matter of fact ako na nagtatago ng paycard nya at ako na din nagbibigay kay #Mommy ng mga padala nya…I am making an accounting of his savings…Madami kasi kaming plano sa buhay..yung magkaroon ng bahay na sarili namin at magkaroon ng anak thru adoption. Yun ang dalawa sa mga plano namin ni Baboy na ginawan pa namin ng Letter of Fulfillment. Isang magandang balita ang sinabi nya sakin nung isang gabi na nag skype kami…nabigyan sya ng five days vacation kaya naman napag pasyahan nya na umuwi dito para magkasama kami…One year na din sya nun…Napag pasyahan naming nun na magboracay na lang para masaya kasama family nya… Masayang masaya kami ni Baboy, yung feeling na #forever na kami, na its me nad baboy against the world..Yung magkayakap kami sa buhanginan na walang pakialam sa mundo. Yung moment na kami lang at wala ng iba..Yung yakap ka nya so tight na feeling mo your so safe and loved…at walang katapusang kiss…Masaya, masayang masaya kami…pero mas maganda sa relationship namin tanggap naming lahat lahat sa sarili naming…Di lang yung best samin kundi pati na yung mga worst namin.. Bumalik sya ng Hongkong after ng vacation nya, pero ngayon mas madali ko nang nataggap na aalis sya, wala ng luha sakin kasi isang taon ding napatunayan namin na kahit magkalayo kami sa isat isa we sustain and maintain the flare of our love with each other…Mahal na mahal ko si Baboy at ramdam ko na Mahal na mahal din nya ako...Wala na akong ibang hinangad kundi maging ok sya sa Hongkong, na lagi syang mag iingat.Ganun pa din nagging takbo ng pagmamahalan naming…Masaya at Fulfilled. Just recently , February 14, 2014, 4th year Anniversary na namin ni Baboy, Early Morning pa lang nakatanggap na ko ng message from him…” Mahal na mahal kita…No words can define how much I love you Baboy ko..Sayo umiikot ang mundo ko, at lagi kitang mamahalin hanggang tumanda tau kasi ikaw ang dahilan kong bakit ako matatag at kung pano ko kinakaya ang lahat ng mga trials sa buhay..You are my best advisor..Baboy, happy 4th year anniversary sating dalawa..Mahal na mahal kita..PS..Skype tayo mamayang gabi.” Yan exactly message nya sakin which made me tears early morning..Ang sweet ng Baboy ko, kung panu ko sya nakilala noon ganun pa din sya hanggang ngayon… Sya lang at wala ng iba..Mahal na mahal ko si Baboy ko…after Office hours, syempre on the dot, umuwi agad ako para magkaskype na kami ng baboy ko…excited much…Ayun kulitan, halikan kahit sa monitor lang at syempre express ng Love naming sa isat isa…Kung bibilangin lang ang word na Mahal kita that night siguro sobra 1,000…hahaha..pinakita pa nya sakin yung cake na pinagawa nya para sa anniversary namin with quote: Baboy Forever!!Happy 4th year Anniversary!!!From Baboy… Ang saya namin dalawa, natapos kami nun mga around 3:00 am na…di kami nagsasawa na mag express ng love sa isat isa…Mahal na mahal namin ang isat isa..Ramdam na ramdam ko yun…. It was June 22, 2014, that everything changes … From love to hatred, From hope to desperate moves and it kills me little by little.. 10:30 pm baboy texted me na mag usap daw kami thru Skype may sasabihin dw syang importante.. At that note, kinabahan ako, di kami nag uusap ng hindi planado…so, mga around 10 :00pm, nag Online na ako sa skype..pero di pa din sya online…So I waited pero kinakabahan na din ako…11:00 online na sya.. nagchat sya bigla na..”Baboy may sasabihin ako sayong mahalaga, at sana sa pag tatapos ng usapan natin ngayong gabi, walang magbago sa ating dalawa..Mahal na mahal kita”..I replied out of Query “ anu ba yang sasabihin mo, magpapakasal na ba tayo?wag kang mag alala, OO na sagot ko…” yan pa yung biro ko sa kanya…After I send this message..Nag Video call na sya..Pagkakita ko pa lang sa kanya, mugto na ang kanyang mata, na alam ko dahil sa sobrang pag iyak… Tinanung ko sya agad, anu ba nangyari baboy, bakit ka umiiyak…ramdam ko ang sobrang takot at sa kanya, ang luha nya ay tuloy tuloy sa pag agos na di nya mapigilan…Di sya nakasagot sa unang tanong ko, kaya muli ko syang tiananung…” Baboy anu ba kasi ang problema?” Sumagot sya… “ Baboy, patawarin mo ako, mahal na mahal kita pero di ko alam gagawin ko..ayaw kitang lukohin kaya sasabihin ko sayo, pero di ko alam pano sisimulan..Baboy patawarin mo ako..” Garalgal na ang boses nya sa mga oras na yun.. pero di ko pa rin maintindihan kung bakit sya humingi sakin ng kapatawaran…” mahal na mahal di kita Baboy, pero di ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan, anu ba kasi nangyari…?”.. Bigla ako, natahimik at di makapagsalita sa mga sumunod nyang sinabi…” Baboy, Nakabuntis ako…” Natulala ako di ko alam anu magiging reaksyon, parang namatay lahat ng pangarap namin sa isat isa..di na ko nakapagsalita, wala na ako sa aking sarili ng mga oras na yun, pero ang alam ko di ako umiyak, naging manhid ako… “ Baboy, sorry, mahal nan mahal kita…Di ko alam pano nangyari yun, Mahal na mahal kita Baboy, patawarin mo ako…” Wala na akong naririnig sa mga oras na yun, parang bumagsak ang mundo ko, I don’t know, panu ko magrerespond sa nalaman ko…Nanghina ako…Ang alam ko na lang na ginawa ko was I ended the call para makapag isip…Yung tipong sinasabi ng utak mo na walang nangyari pero ang sakit sa kalooban mo lalot pag naaalala mo ang mga salita nyang..” Nakabuntis ako”…Ang sakit, ang sakit sakit…Nang gabing yun, nagbalik lahat ng ala ala namin na masaya kami..Yung apat na taon na napakasaya namin, dun ko naramadaman na bumubuhos na ang mga luha ko, na parang ang samasama ng pakiramdam ko…yung na feeling na ang sarap alalahanin ang apat na masasayang taong pinagsamahan nyo pero pag naiisip mo ang salitang Nakabuntis ako, nawawala lahat, nababalewala ang mga nangyari..Eveything turns into hatred..Ang sakit, sakit…Di na ko nakatulog noong gabing yun kakaisip at kakaluha…Hanggang sa di ko na namalayan na umaga na,, Di na ko pumasok sa work ko ng araw nay un..kasi alam ko na wala ako sa sarili ko…wala ding laman ang utak ko…Basta ang alam ko Masaki tang pakiramdam ko..yun lang.. patuloy pa rin ang pag iisip ko sa nangyari ng gabing yun, wala akong ibang maisip kundi di ko alam anu gagawin ko..around 10:am, tumawag sakin si #mommy(mama ni Baboy)…Alam na din nya nangyari kasi tinawagan na din sya ni Baboy..Nahihiya daw si Moomy sa nangyari at humihingi sakin ng tawad at sinasabing wag ko daw iwan ang anak nya kasi iyak ng iyak daw nung tinawagan sya…Wala akong naisagot kay mommy kundi..Ma, di ko alam gagwn ko, di ko alam panu tatanggapin ang nangyari, di ko alam anu ang nararamdaman ko sa ngayon…Di ko alam pano haharapin ang nangyari..Ma, Sorry,, wala akong alam sa ganitong mga bagay..ang alam ko lang masakit..yun lang Ma..” may mga sinabi pa si Mommy nun pero di ko na narinig kasi muling pumatak mga luha ko at yun ang unang pagkakataon na napapasigaw ako sa sobrang sakit, sa sobrang sama ng loob ko…. Lumipas ang isang araw, at dun na ako nakapag isip…Kinausap ko si baboy para kunin lang ang number ng babae..Binigay naman nya…Tinawagan ko ang babae, isa lang ang natanung ko sa kanya…”Minahal o mahal mo ba si #Lerran?”...”Sorry, oo mahal na mahal ko sya, Sorry alam kung comiitted sya pero mahal ko sya, Sorry sa nangyari..pero di ko alam ang gagawin ko ngayon kasi di na kami nagkakausap…pero maniwala ka sakin, accidente lang ang lahat...”..Muling bumalik ang mga luha ko, yung di ko alam na bumuhos na pala..Lalo pat nung narinig ko na minahal nya si baboy..ang sakit…Yun lamang ang naitanung ko sa kanya at tinapos ko na ang pag uusap namin… Pero naging matatag ako..kailangan mag desisiyon, muli kong kinausap si Baboy, ngayon ko pinasalaysay ang nangyari..at panu nangyari…Di mahal ni Baboy ang babae, alam ko na totoo, kasi ramdam ko at alam ko kung kelan sya nag sisinungaling..Sinabi nya sakin na di nya mahal ang babae, kinausap nya ito na kung pwede kami na mag reraise ng bata..kami ang kikilalaning guardian ng bata..pero ayaw ng babae kasi mahal nito si baboy..and worst mahal na mahal na mahal nya…Madami pa sana akong gustong itanung pero ayoko na marinig mga sagot nya. Sapat na ang narinig ko para gumawa ng desisyon..Desisyong makatao at kaya kong panindigan kapalit man ng kaligayahan ko… Ito ang kauna unahang desisyong gagawin ko in my committed life , alam ko na wala pa akong sapat na karanasan sa sakit na dulot ng pagmamahal pero alam ko na itong desisyon na to ang magtatama ng lahat… June 25, 2014, tinawagan ko si #Mommy para ipaalam sa kanya ang desisyon ko… Di pumayag si #mommy sa gusto ko mangyari… Maraming syang suggestion pero di ko alam kasi at that time sarado na ang utak ko..yun na ang desisyon ko at wala nang makakabago noon… Alam ko mahirap tanggapin n kahit si #Mommy nga ay nasaktan.. Noon ko lang si #Mommy narinig umiyak, and I feel so guilty about it…Ipinaliwanag ko na lang sa kanya lahat, ang nararamdaman ko, ang naiisip ko at kung pano kami magiging ok sa kabila nang nangyari, o kung may pag asa pa bang maging ok ang lahat.. Mahal na mahal ko si#Mommy, tanggap nya ako ng buong buo para sa kanyang anak pero di ko alam bakit ako nakapag desisyon ng ganoon. All I know is I have to weigh in all things, its repercussions from today up to the future… The following day, I called #Baboy thru Skype… Di ko pano sisimulan ang pag uusap naming… And without hatred I smiled and say.. “ Kumusta ka na?..” and he peacefully said “ Di na ko makatulog #baboy, di ko na alam gagwin ko..Sana napatawd mo na ako..” nangingilid ang luha nya habang sinasabi ito…at ramdam ko ang bigat ng kalooban nya, pero di ako nagpakita ng anumang kahinaan sa kanya, ayokong umiyak, gusto kong makita nya na ok ako even inside me Im melting..masakit na masakit at di ko alam pano sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko at ang desisyon ko…” Baboy, pakinggan mo lahat ng sasabihin ko ahh..madami na tayong pinagdaaanan para makarating lang ang relasyon natin sa ganito katagal..Apat na taon Baboy..at sana maintindihan mo, di ka sakin nagkulang, wala kang ginawang masama, napakabuti mong tao kaya minahal kita, anu man ang nangyari di nagbago ang pagtingin ko sayo, mahal na mahal kita baboy…pero #baboy nahihirapan na ko.. di na ko makatulog sa gabi, di na ko makakain ng maayos, kala ko noon madami na akong alam, pero di ko napansin na ang alam ko lang pala eh kung pano magmahal..di ko to napaghandaan baboy, kala ko noon baboy ang tali talino ko na pero hindi…hindi ko alam kasi wala pala talaga akong alam…Baboy, Ive always dreaming for a perfect relationship at kala ko natagpuan ko nay un, pero di di pala, akala ko ok na ang lahat..pero hindi pa pala…Baboy, di kita sinisisi pero gusto kong itama ang ang mali mo..ayaw kong magsisis sa huli, gusto ko magpakatao sa desisyon ko baboy… Baboy, nakausap ko si #eekcim(di totoong name),baboy madali sana sakin mag desisyon na ok lang ang lahat pero hindi ehh,,Baboy minahal ka nya at mahal na mahal ka nya, sa kanya ko din nalaman ex mo pala sya…nagsinungaling ka sakin baboy,….Baboy naging honest ako sayo all my life na magkasama tayo…Baboy Mahal na mahal ka nya…alam mo kung ano yung masakit?yun yung minahal ka nya…at sa tuwing iniisip ko lahat ng pinagsamahan natin sa apat na taon,,, napapangiti ako at napakasaya ko… at kapag naiisip ko na may #baby na involve..dun nadududrog ang puso ko..ayokong lumaki ang bata na walang kikilalaning ama…kaya nagyon baboy..ipangako mo sakin…ipangako mo baboy na aalagaan mo mag ina mo, alam ko mahirap pero balang araw magigising ka din na wala na ako sa sestema mo..unti unti baboy matututunan mo ding mabuhay na wala ako…tandaan mo lang Kahit ano mangyari Mahal na Mahal kita pero di ko alam hanggang saan yun Baboy…. Pag iyak na lang naging tugon nya sakin, kasi alam ko naiintindihan nya ako,alam nya kung anong gusto nkong mangyari.. Sa pagtatapos ng usapan namin, tinanggal ko ang singsing na binigay nya noong 3rd year anniversary namin… Yun ang pinakamasakit na parte ng aming paghihiwalay, yung feling na gusto mo na lang matunaw para makawala sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na yun… Sobrang sakit talaga na isang iglap lang nagiba ang kastilyong nabuo nyo na… Sa ngayon, ayokong lokohin ang sarili ko na ok na ako…Magsisinungaling lang ako… We can easily say na Move on…pero it is the most difficult part of the process..You have to change the ways you have used to…You have to busy yourdelf for something elses, para lang di mo na maaalala…I know time will come na magiging ok din ako…di ko lang sigurado kung kalian ang araw na yun… But I have learned so much from that relationship… Currently, binigay ko na kay #Mommy ang Paycard nya at lahat ng magpapaalala sakin sa kanya…Ayoko na balikan ang lahat..Masarap man pero di makakatulong…Ngayon unti unti na ko nakakahinga at nakakalimot, of course dahil na din sa mga magulang ko at sa lahat ng nakilala kong mga kaibigan… Sa lahat ng nangyari ito lang ang pwede kong sabihin sa inyo as a source of inspiration: “Life will break you. Nobody can protect you from that, and living alone wont either, for solitude will also break you with its yearning. You have to love. You have to feel. It is the reason you are here on earth. You are here to risk your heart. You are here to be swallowed up. And when it happens that you are broken, or betrayed, or left, or hurt, or death brushes near, let yourself sit by an apple tree and listen to the apples falling all around you in heaps, wasting their sweetness. Tell yourself you tasted as many as you could.” Making a decision like this is a heartbreaking and it kills you little by little, pero tandaan natin we have God from above na gagabay sa atin, Whatever your cross, whatever your pain, there will always be a sunshine after the rain… Sa lahat ng makakabasa nito, I hope you learned what I have learned..That Love will Over Shadow love at the end of every day and we have to face all the repercussion of our decision!!! Finally, I would like to express my gratitude to the CPBC family..You have been a great inspiration to me, of course to those whom I met during Get Together which until now became Good Friend of mine..Thank You so much…And to those that di ko daw napansin during GTG, Sorry,, bawi ako next time…that was actually three weeks from our break up kaya wala ako sa sarili…And of course to my Family,for all the support they have given to me…Thank you so much..And to God, who became my Strength Provider and been so good to me…I love you God! “Before you can live a part of you has to die. You have to let go of what could have been, how you should have acted and what you wish you would have said differently. You have to accept that you can’t change the past experiences, opinions of others at that moment in time or outcomes from their choices or yours. When you finally recognize that truth then you will understand the true meaning of forgiveness of yourself and others. From this point you will finally be free.” Good Day and God Bless Us All!! Sincerely: #ZHENZE
Posted on: Mon, 04 Aug 2014 04:39:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015