#JustAStory Chapter - TopicsExpress



          

#JustAStory Chapter 1 facebook/sanpedrocollegeconfessions2/posts/579312352126949 I.M.U. Chapter 2: Little Ms. Sunshine Two years na din mula nung umalis ako ng Pilipinas para manirahan sa US kasama ng mga magulang ko. Mabuti na lang at advance ako dito kaya madali ko rin natapos ang highschool dun. Kaya naman ngayong college na ako, napag-desisyunan ko na dito sa Pilipinas mag-aral. Aside sa mas mura ang fees, mas makakapiling ko din ang aking lola at ang aking kakambal na babansagan kong si Mr. Geeky. Oo, lalaki ang kakambal ko, fraternal twins kami, boy and girl. Mas matanda ako sa kanya ng 47 minutes. Sabi ng mama ko, mas matagal siyang lumabas dahil baka abala pa siyang butingtingin ang daanan palabas ng pwerta ng mama namin. Ganun talaga kasi si mr.geeky, ang daming alam, ang daming gustong malaman. Kung advance ako, mas lalo na siya. Hindi ko siya naging ka-batch noong elementary at highschool dahil mas na-una siya sa akin ng 3 baitang. Pero kung sumatutal 5 beses siyang na-advance. 17 years old siya nung grumaduate siya last year sa UP at ngayong year, tinitake niya ang second course niya dito sa SPC- BS Psychology. Kung tutuusin eh pwede na siyang magtrabaho, pero sa tingin ko’y ginagawa lang niya ito para makapiling ako. Bukod kasi sa magkakambal kami, mag-best friend din kami. Ang Pangalan namin ay mula sa mga famous characters ng Novel ni William Shakespeare, Ako Si J*L**T at siya naman si R*ME*. Simula pa noong bata kami, ako lagi ang nagtatanggol sa kanya mula sa mga bullies. He is the bullying type kasi, yung tahimik at patpating bata, ako naman yung opposite, yung napaka chubby at halos nagiging chinita na sa laki ng pisngi. Actually, kaming dalawa ang laging nabubully. Mabuti na lang at may kaibigan kaming nakilala nung grade2 ako at si mr. geeky grade four. Kakalase ko siya, na babansagan kong mr.promdi. Si mr.promdi, ay batang bibo, masayahin at napaka-kulit, kaklase ko siya, at kagaya ko rin advance siya. nung time na yun ng 1 baitang. Naalala ko nung araw na nagging malapit na kaibigan namin siya. May nambubully sa aking kakambal, mga grade four students na kaklase niya. Pinagdidiskitahan siya dahil siguro sa liit niyang yun ay sobrang talino niya, natuturingang teacher’s pet. Pinagtatanggol ko siya pero pati ako ay sinimulan ding ibully nila. Nakita yun ni mr.promdi at pinagsabihan sila, “hoy! Bakit niyo inaapi ang mga batang yan?! Tigilan niyo yan!” at nag-pose na parang isang superhero. nagtawanan lang ang mga fourth graders dahil ang tapang-tapang ni mr.promdi.lumapit siya sa amin, tinitigan sa mata ang mga nagtatawanang bully at bigla naman niyang sinipa ang tuhod ng isa sa mga bully na ikinagalit ng mga ito. Tumakbo nang mabilis palayo si mr.promdi at nung medyo nakalayo na ay lumingon upang dilaan ang mga bully. Tawa siya ng tawa. Nagpahabol siya palayo sa aming dalawa ng kakambal ko. Nung mawala ang mga bully pinatayo ko ang kakambal ko mula dun sa corner ng corridor namin kung saan siya binakuran ng mga bullies at nilagyan ng chalk dust sa ulo. “okay ka lang?” tanong ko sa kanya sa dialect namin, ilonggo kasi kami pero for purposes na maintidihan nating lahat ay sa Filipino ko na lang isasalin. “ok lang, sanay na ako.” Sagot niya ng wala masyadong emosyon. Ganun talaga siya, matipid kung magsalita at tahimik. Ngingiti lang ng kaunti kung masaya, pero sa kabila ng parang walang ka-emoemosyong façade, mabait at napaka-matulungin niya. Pagkaraan ng ilang minuto, bumalik na si mr. promdi, punong-puno ng putik ang damit at parang namumula pa ang pisngi. Pero the weird thing is nakangiti pa rin siya. “My gosh! Anong nagyari sayo R**???” “Ah ito, wala ito, pinahabol ko sila sa akin, naabutan nila ako.” Sagot niya. “binugbog ka nila?” halos walang ka-emosemosyong tanong ng kakambal ko. “hindi ah! Gasgas lanG To!...kayo, okay lang ba kayo?” sagot muli ni mr.promdi. “Okay lang. maraming salamat R*J!” pagpapasalamat ko. “Basta, simula ngayon, let’s stick together, para walang mabully sa atin….ayos ba un?” mungkahi ni mr.promdi. nag-isip pa ako dahil ayaw ko naman may madamay pa na ibang tao sa pambubully sa amin pero inunahan na ako ng kakambal kong sumagot ng “ayos.” Yun nga ang simula ng pagkakaibigan namin. Naghiwalay lang kami ng unang magkolehiyo ang aking kakambal at ako, noong mag-thithird year highschool na ay lumipat sa US. Ngunit nakikipag-communicate pa rin kami sa isa’t isa. Eto ngang 1st day naming sa college, isang malaking surprise talaga para kay Ra* na nandito kaming dalawa. Wala talaga siyang kaalam-alam. Alam ko rin na magugulat siya sa pinagbago namin ni R*m*o. Hindi na yung dating patpating bullying type ang kakambal ko, mas matangkad na siya kumpara sa mga ka-edad namin, at fit and lean na ang katawan niya, dahil siguro he engaged in swimming during his college days. Pero nandun pa rin yung geeky-hispter aura niya na naka-glasses, laging may headphones at nakikinig sa music and ang bag laging laman ay ang paboritong niyang gadgets: ang laptop niya, external hard drive camera and cellphone. Ako naman, may mga pagbabago na rin, pumayat na ako-sa wakas! At siguro naka-tulong ang klima dun sa US at nawala na lahat ng pimples ko nung highschool pa ako at medyo naging fairer ang complexion ko, yung gandang di mo inakala-ito na yun, promise. Nakita ko si mr. promdi paakyat ng hagdan patungong 3rd floor, alam na alam ko na siya yun, sa body built pa lang at type manamit-yung medyo trying hard pero medyo baduy-yes I have to be honest kahit sobrang love ko ang friend ko. Tumangkad lang siya ng ilang inches sa paningin ko. sa sobrang tuwa ay napasigaw ako at napatakbo at biglang napa-yakap sa kanya. My plan pa naman sana was to cover his eyes and let him guess kung sino ako, for sure mahihirapan siya dahil hindi na fat ang fingers ko. Pero no matter, nadala na ako ng emotions ko. So yun, isang malaking power hug ang natanggap niya. Mula naman sa itaas, sinalubong din kami ni mr.geeky, nauna na kasi siyang i-check ang classroom kung saan kami naka-assign, kahit di naman namin siya kaklase or ka-course, maybe he’s just excited for us. Tumalikod si Mr. Promdi para harapin ako, napangiti siya pero medyo matagal niya akong tinitigan, napa-head to foot pa siya sa akin habang hawak niya ang magkabilang braso ko. Bigla niyang tinanong “Kikay?!?!?”-short for tambukikay. “Yes R*j?” Sagot ko with a smile dahil alam kong gulat siya. “pumayat ka na…at ang..gan…” “ano??? ang ganda ko na?” natatawa kong putol sa sasabihin niya…”huh? Ganda? Hindi ah, pumayat lang, ganun pa rin naman, para pa ring biik…pero cute na biik!” pang-aasar niya. “biik ka diyan, di ba bawal sa’yo ang baboy?” pang-aasar ko din. “kaya nga hindi ako nagkaka-gusto sa’yo eh hahaha!” sagot naman niya na medyo nakapag-painis sa akin ng very very slight. Bago pa saan mapunta ang conversation namin, nagparamdam muli si mr.geeky na ngayon ay lumapit na sa amin, “oy ano ba, mahuhuli na kayo sa orientation niyo…kaklase niyo pala si Al*ss*…” (si Ms. A na tatawagin nating Ms. Famous) “Aba, kaklase pala natin si tisay…di ba crush mo yun noon??? Patay na patay ka nga eh, parang kang tanga dun di ba? May pa-iyak-iyak ka pa nung umalis siya nung grade six? Hahaha…” pang-aasar ko muli kay mr.promdi. Hindi na siya sumagot, instead nakita ko na medyo nalungkot ang mukha niya. “oh bakit?” usisa ko. “wala, tara na…baka tayo na lang ang wala dun…” sagot niya na may isang pilit na smile. Kilala ko si mr. promdi, alam kong may something wrong, pero hindi ko muna inalam. Nagsabay-sabay na kami papunta sa classroom kung saan magaganap ang aming orientation. “Dun sa may nakalagay na PL307, nandiyan sa labas ang list of names niyo, hindi ko na kayo ihahatid coz’ I have my own orientation to go to…kita na lang tayo sa mall mamaya, just text me. ciao!” paalam ni mr. geeky sa amin. Palakad pa lang kami sa classroom ay nakasalubong na namin ang isang familiar face. Nung magkalapit na kami ay bigla siyang napahinto at tinanong ako “Kikay???” napa-smile naman ako at hindi naka-sagot. “it’s me, L*wr*nc*…yung dating bf ng pinsan mo…” dagdag pa niya. “ah!kuya ikaw pala…” kunwari pa akong hindi ko siya naaalala-of course I do. Noon pa man super crush ko na siya kahit ilang bases ko pa lang siyang nakikita-usually pag-nagbabakasyon ako dito sa davao at binibisita niya sa house ng lola namin ang pinsan ko. 2 years ang agwat niya sa amin ng pinsan kong si ms. Famous. I always was breathlessly taken away by his very light brown puppy dog eyes, reddish lips, his medyo wavy hair, also his height, kamukha niya si Enrique Iglesias pero mas younger and hotter version pa. pero ang nagpa-believe talaga sa akin was his personality na mabait and napaka-gentleman. I must admit na I envied my cousin nung niligawan siya at naging sila ni Mr.Dreamboy. “huwag mo na akong tawaging kuya, hindi na tayo kids, “Enz” na lang…” sagot niya na pumutol sa pagre-reminisce ko sa aking past hidden desire sa kanya na walang ibang nakakaalam. “ah ok…Enz”maiksi kong sagot. “hinatid ko lang si Aly**a…I think classmates ka’yo.” Dagdag niya. Gosh ha! That’s a bummer. Akala ko pa naman break na sila. “ah yes, sinabi nga ni Ro*m*o na classmate namin siya…” sagot ko naman. “it’s so nice to see you again, you look more beautiful…see you around…” sinabi niya with a sweet smile na parang nakakapagpa-melt sa akin-pwede mag-heart-heart ang shape ng mata ko? Pwede? “ok.” Yun lang ang nasagot ko. But before he turned he noticed mr.promdi na medyo patay-mali ang aura. “oi, bai, friends pala kayo ni Jul**t?” tanong niya sa aking kaibigan. “ah…oo…” parang nabubulol na sagot ni mr. promdi. “ay I almost forgot, si R*j*v nga pala, friend ko, actually naming nila Aly**a…” medyo mahabahaba kong sagot. “I see, medyo nagkikilala na kami kanina….siya nga pala si Osk**, friend ko…malapit ko na makalimutan…” pagpapakilala niya sa kaibigan niya na kanina pa naka-smile sa akin. “hi!” sagot nung O*s*ie sabay wave and smile. “hi!” sagot ko rin with a smile. “you better get going na, I think nandun na yung mag-oorient sa inyo…” mr.dremboy reminded us. “oh! Yeah…bye” paalam ko. “bye” paalam ni mr.dreamboy na again with his dreamy smile. Para akong adik palakad ng classroom kung saan kami naka-assign. Hindi ako makapaniwala na we’re on the same school, and by the limited space here sa SPC, for sure magkikita kami. OMG! Thank you Lord. But wait, I am not sure if sila pa ni ms. Famous. Hai, sadness again. Pagpasok ko ng classroom, una kong napansin si ms.famous. hindi na kami nagkita nung umalis siya ng bahay ni lola kaninang umaga, nauna na kasi kami ni mr.geeky hinatid sa school. Hindi ko rin alam na classmates kami, I did not ask her kasi what ang class niya. BSN 1E, that was our class. And I wanted to sit beside her dahil may dalawang chair dun for me ang mr.promdi, which I suppose she reserved for us. “Sa mga friends ko yan, reserve na….” she said before I was able to sit. “sorry” I apologized. She’s acting as if hindi kami magkakilala. As always, she is like that when I’m around. Mr.promdi and I sat at the back beside a girl who gave me a smile. When I sat down she said “Hi gurl! K*is*y…” she introduced herself. “Hi, Ju*ie*….and this is my friend R*j…” we gave each other handshakes and smiles. “maldita kaayo tong girl sa front…pero gwapa kayo siya huh….” Our new friend added while I just smiled. The ones who will orient us finally arrived, “Good morning everyone! We will be your peer mentors for this morning and the following days ahead… I’m Kuya W*ll*rd…” the chinito guy who’s kinda cute said, “and I’m Ate M*na!” the strict looking chinita added. Well I think this would be the start of a wonderful but crazy year. Keeping my fingers crossed though. ************************************* I.M.U. Chapter 3: Nahuhulog It’s been weeks na since we started in college, katatapos lang ng exam and I am so glad I would be able to continue reading the book I was really starting to love: Like the Flowing River by Paulo Coelho. Settled at my new found area just along the school clinic benches near pig-pen and kiosk, where I could my peace and quiet, I was ready to fly to my fantasy land with my cup of coffee. Pero nung hinalungkat ko ang bag ko, wala na dun. I was shocked and kept on thinking where I left it, when someone from behind said “Looking for this?” I turned because I knew who it was. It’s Mr. Dreamboy holding my book. “You left this here last Tuesday….i kept it, para naman maka-concentrate ka for the exams….” He said na medyo serious. “how did you know I’d be here?” i was puzzled. “you’re always here on your free time during this hour, humihiwalay ka dun sa friends mo just to read this book…” his answer made me blush and wonder at the same time. How did he know this?-stalker!-I thought. “paano mo nalaman?” “it’s written here in front of the book…. “note to self: Tuesdays and Thursdays 2:30-3:20pm, must be alone and have me time with this book!” and it has your full name…” “oh!” nahihiya kong sagot. “Anyways, I kept it nga and hoped you’d be here by this time….so here…” he smiles, I melt. “thanks…” I was about to grab the book but he retracted and said “but wait, there must be something in return for this…” he’s now on full smile with his sparkling white straight teeth-again, if I could drool there would be flooding. What does he want from me pala? Gosh. The tension. …to continue… #KookyEscape Alumni Male
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 18:05:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015