Kamatayan ni Marcos ginunita Ni Victor Martin (Pilipino Star - TopicsExpress



          

Kamatayan ni Marcos ginunita Ni Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 29, 2013 - 12:00am BAYOMBONG, NUEVA VIZCAYA, Philippines – Sa gitna na rin ng mainit na isyu ng korap­syon sa bansa at kaguluhan sa Mindanao ay muling ginunita ng sambayanang Pilipino ang ika-24 na taon na pagkamatay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kahapon. Ayon sa ulat, madaling araw pa lamang kahapon ay dumagsa na ang mga Marcos loyalist at iba pang mga mamamayan sa Batac, Ilocos Norte upang muling masilayan ang labi ng yumaong dating Pangulo. Sa salaysay ni Lolo Hodom, isa sa naging saksi sa pagpapatayo ni Marcos sa kauna-unahang Hospital na may tatak na Ferdinand E. Marcos Memorial Hospital sa lalawigan ng Ifugao na ngayon ay tinawag na Pa­nopdopan District Hospital sa Lamut, Ifugao, ang 21 taon (1965-1986) na panunungkulan ni Marcos bilang presidente ng bansa ay hindi matatawaran lalo na ang maraming mga proyektong nagawa niya na hanggang sa kasalukuyan ay pinakikinabangan at tinatamasa ng bawat mamamayan. Iginiit pa nito na sa panahon ni Marcos ay walang pork barrel na kinasasangkutan ang mga opisyal ng gobyerno. philstar/probinsiya/2013/09/29/1239329/kamatayan-ni-marcos-ginunita
Posted on: Sat, 28 Sep 2013 16:52:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015