Kapag nagmamahal tayo. Palagi natin sinasabi sa isang tao na Kaya - TopicsExpress



          

Kapag nagmamahal tayo. Palagi natin sinasabi sa isang tao na Kaya ko to o kaya naman eh Kaya naten to . Kaya ko to kasi nakikita mo pa siyang lumalaban. Pero once na nakikita mong ikaw na lang. Dun mo ma rerealize na napapagod din pala ang puso. Na kahit gaano mo kamahal ang isang tao. Kapag nakikita mong mag-isa ka na lang. Onti onti ng lumalayo ang loob mo. Syempre, proud kang sabihin sa kanya na kaya mo kahit anong mangyari. Kasi nung oras na sinabi mo yun, alam mo sa sarili mong hindi siya mawawala eh. Kasi nga andun yung pagtitiwala. Pero kapag binigay mo lahat at puro ikaw na lang, dun papasok yung parang magiging taken for granted ka eh. Syempre binigay mo lahat, so ang tendency nun hahabol ka talaga. Para bang nagpahiram ka ng laruan sa kalaro mo. Tapos yung laruan na yun eh pinakapaborito mo. Syempre kapag hindi binalik, hahabulin mo ngayon yung kalaro mo kasi sayo yung kinuha niya eh. Parang sa relasyon lang din sa tao. Once na ibinigay mo yung sarili mo dahil mahal mo. Chain reaction na yan eh. Swerte mo na lang kung yung tao na yun eh naiintindihan ka at ang ginagawa din eh tulad ng ginagawa mo. Kaso majority. At sa panahon ngayon. Malabo eh. Puno ng pantasyang hindi malaman ang kabataan ngayon. Gusto ng ganito, gusto ng ganyan. Gusto ng mala fairy tale. Eh simpleng effort lang hindi mapalitan. Mala fairy tale pa kaya?
Posted on: Wed, 27 Nov 2013 10:57:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015