Kung hindi nauso ang INTERNET ngayon… Kung walang internet - TopicsExpress



          

Kung hindi nauso ang INTERNET ngayon… Kung walang internet ngayon – walang social media, walang facebook, twitter, google, youtube – siguro masaya ang lahat ng tao. Yung totoong masaya. Kung walang facebook, malalaman mo kung naalala ng mga kaibigan mo ang birthday mo. And for sure, malaking tulong ang birthday list na nakasulat sa cartolina na gawa ng secretary ng section niyo. Kung walang viber, kakaotalk, wechat, line, for sure maririnig mo yung boses ng kaibigan mo sa telepono. O kaya may kakatok sa bahay niyo at magtatanong kung nasa bahay ka ba. Kung walang mga yun, makikita mo yung kaibigan mo, face to face. Makakausap mo siya. Mahahawakan. Mararamdaman. Kung walang twitter o facebook timeline, for sure, close kayo ng mga magulang mo o ng mga kapatid mo o ng bestfriend mo kasi sa kanila mo nasasabi o napaparamdam yung sayang nararamdaman mo, yung kilig dahil pinansin ka ng crush mo o yung lungkot dahil mababa ka sa exam. Kung walang ganun, masasabi mong “Ay, gusto ko yan!” o kaya “Maganda yan!” o “Ayos yan ah!” hindi yung simpleng “like” lang. Kung walang internet, for sure may mga litratong nakasabit sa dingding ng pader niyo o kaya naman, may isang notebook ka na nakalagay dun o nakadikit yun mga pictures or remembrance niyo nung graduation mo, nung birthday mo o nung debut ng kaibigan niyo o kaya naman yung movie ticket na first time movie bonding niyo ni BF/GF. Kung walang Instagram, for sure, magdadasal ka muna bago kumain. Kung walang instagram, mas maaappreciate mo yung magagandang bagay, lugar, pagkain o tao, hindi yung picture ka lang nang picture. Kung walang Google, for sure hindi mabubulok ang libro mo. Magagamit mo yung Definition of Terms sa likod ng textbook and for sure, hindi mo ika-copy paste ang summary ng El Filibusterismo sa google dahil ikaw mismo ang gagawa ng summary nito. Kung walang internet, makakapag-usap kayo ng mga kaibigan niyo habang kumakain. Makakapagkamustahan kayo ng walang abala tulad ng pagpopost mo ng “Here at my friend’s crib! #BondingTime” Kung walang internet, mas AYOS sana tayo. mas MASAYA. Ang internet kasi, nagbibigay siya ng SAYA pero Virtual Happiness lang. Iba pa rin kasi ang tunay na saya kapag ikaw mismo ang magsasabi ng “Good morning” sa mga magulang mo, “God bless you” sa mga kapatid mo tuwing Linggo, “Good night” sa mga kabarkada mo sa labas ng bahay niyo, “Uy! Like ko yan” sa magandang bag ng bestfriend mo o ” I love you” sa taong pinakamamahal mo. (c) Marcelo Santos III
Posted on: Mon, 07 Oct 2013 11:50:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015