“Laruan” Nang una kitang nakita, Alam at pansin ko na, Una mo - TopicsExpress



          

“Laruan” Nang una kitang nakita, Alam at pansin ko na, Una mo plang akong kinuha, Batid ko na,” Di ka na mag-iisa,” Di matumbasan ang tuwa, Mga ngiting inilalarawan ng iyong mukha, Mga sandaling sa’yoy nagpatahan. At lumunas sa pusong sugatan, Napamahal ako sa’yo ng sobra, Napagmasdan ko ang iyong pagkabata, Hawak ako at lagging kasama, Tila ba sa akin di ka na magsasawa, Lumaki ka at tila nagkaisip na, Kailangan mo na ring pumasok sa eskwela, Di mo na ako madalas makasama, Tila nalimot na ang una mong barkada, 20 taon na rin ang nagdaan Kamusta na kaya ang aking kaibigan, Mahahawakan mo ulit kaya ako tulad ng dati? Makikipaglaro ka pa kaya at sa akin ay ngingiti? Nang minsa’y aksidenteng nahanap mo ako, Gaya ng dati’y hinawakan mo ako, Laking tuwa ko’t naaalala mo pa ako, Sa wakas ako ulit ay malalaro, Subalit sa hawak mo’y nanlalamig ako, Parang kakaiba ang pintig ng puso mo, Tila ba ikaw sa akin ay nagpaparamdam, Na heto na ang huli na ting pamamaalam, Di ako nagkamali ng inaakala, Ako nga ay ipamimigay mo na sa iba, Masakit man sa akin ay alam ko na, Kailangan nating mawalay sa isa’t isa, Sa mga huling sandali ako ay natuwa, Muli mo akong nilaro sa piling ng musmos na bata, “Ibibigay ko siya sayo at lubos na ipagkakatiwala Pero Ingatan mo siya ha? Mahal na mahal ko siya,:(” # Eric Navaro Tumalay
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 09:19:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015