Ligaw Tips #11 Alamin mo ang mga bagay kung saan common kayong - TopicsExpress



          

Ligaw Tips #11 Alamin mo ang mga bagay kung saan common kayong dalawa. Yung tipong pareho nyong hilig o alam na gawin. Kunwari mahilig magexercise si crush, tapos sakto ikaw din mahilig magexercise, dun kayo ngayon maguusap kung anong mga ideas ang pwede nyo ishare sa isat isa. Tapos pwede kayo magsama magexercise pag may time kayo. Hindi mo lang siya nakausap, alam mo pa mga hilig nya. Ligaw Tips #12 Magbigay ka ng interest sa kanya kahit sa anong paraan. Pwede sa personal, sa text or call, sa skype o kahit anong video call app pa. Isang magandang paraan jan eh kung alam mo kung papano siya mapapatawa. Gaya nga ng sinabi ko sa Ligaw Tips #1, importante yung napapatawa mo siya para mabreak ang ice. Ipakita mo talaga sa kanya na interesado ka hindi yung kunya kunyarian lang. Laki laki mo na eh dapat maging atapang a tao ka na ngayon. Tandaan nyo ang mga girls, karamihan nafafall sila sa taong may sense of humor. Ito rin ang magandang paraan para malaman nyo ang background ng isat isa. Ligaw Tips 13. Kung special day nya, Mag bigay ka ng mga sweet na bagay na makakapagpakilig or makakapagpasaya sa kanya. Mga memorableng bagay na kapag makikita nya yun, maiisip at maiisip ka nya. As nanliligaw, wag kang bumili ng mga mahahaling gamit like bags, cellphones and shoes. May mga instances kasi na mamahalin kalang nya dahil jan. Bili mo siya yung alam mong sasaya siya. Hindi naman kasi yung presyo yung pagbabasihan ng girls eh, dun sila sa thought nagbabase. Kung di mo ma afford, wag mo nang pilitin. Maraming paraan para mapasaya mo siya at isa na jan ang mga flowers and chocolates. Ipakita mo lang na sincere ka sa ginagawa mo... At wag mong kalimutan mag lagay ng effort para di siya magdadalawang isip sayo. Ligaw tips 14 Eto medjo mahirap tong gawin pero kung observer ka, makakaya mo to. If nakita mong may bago sa kanya, kahit ano basta nakita mo for the first time, magbigay ka ng compliment. Halimbawa nakita mo siyang may bagong earrings, Sabihin mo ang cute ng earrings mo in that way makukuha mo attention nya tapos magrereply yon ng thank you. Edi ayon senyales na ng pakikipagusap sa kanya. Hindi yon kabaklaan o pangiistalk sa girls, wag mo lang ipapakita sa mukha mo na may balak kang masama. Baka matakot eh. Ligaw Tips #15 CONFIDENCE! Ayan capital na lahat para mabaon sa utak natin. maging confident ka sa mga bagay na alam mong kaya mo. Wag ka mahihiya. Tandaan mo na unique ang pagkatao mo at walang makakagaya neto kahit sino. Kahit si Michael V. pa yan. Ang confidence ay isang way para labanan ang hiya at takot mo sa kahit anong bagay. Magbigay ka ng tiwala sa sarili mo. Pogi ka! Kung hindi sa mukha, sa ugali. Hindi lang sa mukha nadadala yan, pati sa pananamit, ugali, at pakikisama mo sa tao. Yun ang tunay na pogi! Eto ang isang magandang way para maging confident. Di ba feeling proud ka pag anjan mga tropa or kaibigan mo? Isipin mo lahat ng nakakausap mo eh kaibigan mo. Hindi ka na matatakot nyan. Ligaw Tips #16 Ang mga girls, palagi nagbabago isip nyan, hindi mo mababasa ang mga galaw nyan. Minsan nagiging moody sila, o kaya naman nagiging palabiro. Nature na yon sa kanila. Wag mo itatake yon personally, at WAG NA WAG ka rin basta basta magjojoke sa kanila. Masama yon, baka itake yon personally at dun pa magsisimula yung pagaaway nyo. Intayin mo lang na guminhawa ang pakiramdam nila. Malay mo eh buwan pala nya kaya siya ganon, wag mo sasabayan ang galit nila. Magadjust ka lang para sa kanya. Remember na ikaw ang nanliligaw kaya learn to adjust. Maaappreciate yan nila kahit papano. Ligaw Tips #17 Ang problema di maiiwasan yan, kapag malungkot ang crush mo itanong mo kung bakit siya malungkot, kung nagaalala siya, itanong mo kung bakit siya nagaalala. Ipakita mo na handa mo siya icomfort sa kahit anong paraan na kaya mo. Sa una hihindi yan at magdedeny na hindi sila malungkot. Itanong mo lagi kung sure sila pag sinabi nilang hindi, ayun kausapin mo na tapos ipakita mo na sincere ka. Pag sinabi nilang oo, wag mo ipush, mapipikon yon. Ligaw Tips #18 Acceptance, ang pagtanggap ng personality sa liligawan mo ay importante. Di ba nakita nyo sa post dito na ang tunay na pogi, ay nirerespeto ang babae? Kailangan na tanggap mo ang ugali at pakikisama nya sayo. Wag mo hahanapin sa kanya ang traits na wala sa kanya. Hindi tayo perpekto, Lahat ng mga pagkukulang nya ay ikaw magdadagdag at lahat ng pagkukulang mo ay siya magdadagdag. Doon mo maaappreciate ang mga maliliit na bagay kapag natutunan mo siyang tanggapin. Ligaw Tips #19 Wag na wag kang mandadaya sa panliligaw. Wag kang manliligaw ng marami at kung sino ang unang sumagot sayo eh dun ka na. Dun ka lang manligaw sa isa. Kasi pag nalaman yon nilang lahat. Di mo kakayanin at masasaktan ka lang. Isipin mo na pag sayo ginawa yon ano feeling? Di ba masakit? Kaya nga isa lang puso natin dahil para lang to sa isang partner at hindi marami. If sa tingin mo hindi siya para sayo, wag mo na ituloy ang panliligaw at dun ka lang pwede magswitch sa iba. Pagisipan mo ito kung talaga kung siya ang only one o baka bugso lang ng damdamin yon. Ligaw Tips #20 Be yourself. Wag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba dahil mapapanghinaan ka talaga ng loob pag nalaman mo na may mas better pa sayo. Wag ka pangunahan ng hiya. Try mo makipagusap muna sa ibang tao para mapractice mo kung pano dapat gawin pag kay crush ka na mismo makikipagusap. Gaya nga ng sinabi ko sa Ligaw Tips #15. Dapat maging confident, yung tipong cool lang at wag yung cocky yung datingan. Samahan mo pa yon ng pagiging palabiro pero yung general lang na usapan at wag yung may mga double meaning. Ang mga girls kasi karamihan eh gusto nila yung mga guys na funny at outgoing. Kapag kaya mo nang makipagusap sa crush mo nang hindi ka nahihiya, eto na ang chance mo para iask her out na!
Posted on: Tue, 05 Nov 2013 05:52:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015