Linggo, Hulyo 7 " Sumakanila nawa ang kapayapaan at awa, maging - TopicsExpress



          

Linggo, Hulyo 7 " Sumakanila nawa ang kapayapaan at awa, maging sa Israel ng Diyos." —Gal. 6:16. Ano ang naiisip mo kapag nababasa mo ang pangalang Israel sa Bibliya? Naiisip mo ba ang anak ni Isaac na si Jacob, na ang pangalan ay pinalitan ng Israel? O baka ang mga inapo niya, ang sinaunang bansang Israel? Kumusta naman ang espirituwal na Israel? Kapag tinutukoy ang Israel sa makasagisag na diwa, kadalasan ay kuma-kapit ito sa “Israel ng Diyos,” ang 144,000 pinahiran ng banal na espiritu na magiging mga hari at saserdote sa langit. (Apoc. 7:4; 21:12) Pero pansinin ang natatanging pagtukoy sa 12 tribo ng Israel sa Mateo 19:28. Sinabi ni Jesus: “Kayo na sumunod sa akin ay uupo rin mismo sa labindalawang trono, na hahatol sa labindalawang tribo ng Israel.” Sa talatang ito, ang “labindalawang tribo ng Israel” ay tumutukoy sa mga hahatulan ng pinahirang mga tagasunod ni Jesus at nakahanay natumanggap ng buhay na walang hanggan sa paraisong lupa. Makikinabang sila sa makasaserdoteng paglilingkod ng 144,000. w11 9/15 2:1, 2
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 21:27:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015