Local Poverty Reduction Action Plan for 2015 - Isinasagawa ngayon - TopicsExpress



          

Local Poverty Reduction Action Plan for 2015 - Isinasagawa ngayon araw Posted: Nov. 06, 2013 Kasalukuyang nag sasagawa ngayon ang lokal na pamahalaang bayan ng labo Camarines Norte ng pagpupulong kaugnay sa Local Poverty Reduction Action plan for 2015 sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni LGOO VI-MGOO Melody E. Relucio ng bayan ng labo. Ito ay kaugnay sa Buttom up Budgeting (BuB) approach ng Pamahalaang Nasyunal , kasama ang lokal na pamahalaan at ang CODE-NGO ng Region V. Kasabay din nito ang pagpili ng mga representante para sa Local Poverty Reduction Action Team kung saan sila ang mamumuno sa Local Poverty Reduction Action Plan for 2015. Pinaalalahanan din ni DILG officer Relucio ng bayan ng Labo ang mga barangay officials na makipag ugnayan sa kanila tanggapan para sa nasabing programa. Layunin din nito na mabawasan ang bilang ng mga mahihirap na mamamayan ng bayan ng labo at pag lalaan ng mga programa para dito. Kaugnay nito, Patuloy na nag susumikap ang pamahalaang lokal ng bayan ng Labo upang mabawasan ang bilang ng mga mahihirap na mamamayan sa lugar sa pamamagitan ni Mayor Joseph V. Ascutia kasabay ang pag lalaan nya ng mga alternatibong pagkakakitaan ng mga ito. Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng ibat ibang Civil Society Organization sa naturang bayan.
Posted on: Wed, 06 Nov 2013 06:43:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015