Luke 24:46 He told them, “This is what is written: The Messiah - TopicsExpress



          

Luke 24:46 He told them, “This is what is written: The Messiah will suffer and rise from the dead on the third day,47 and repentance for the forgiveness of sins will be preached in his name to all nations, beginning at Jerusalem. - A blessed Thursday to all of us my dear brothers and sisters in Christ. We humbly come before the Lord giving Him thanks and praise for His Goodness to our lives. Salamat sa Diyos na sa atin ay patuloy na umiibig at patuloy na nagpapaalala ng mga bagay na higit na mahalaga sa buhay. Subalit ang mga pangangaral sa atin ng Diyos ay kanyang inihahasik sa atin na wala ni isa sa atin na pipilitin ng Panginoon. Anuman ang desisyon mo kapatid ay hindi ito babaliin ng Panginoon sapagkat ang kalayaang binigay sa bawat isa sa atin ay ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Life is a choice and full of choices. Our Life is what we make it. Ang piliin ang buhay na kaloob ng Diyos na dala ng Panginoong Hesus na isang buhay na ganap at kasiya siya, isang buhay na matatag, isang buhay na mamumuhay na tungo sa buhay na walang hanggan o ang pagpapatuloy sa pagyakap ng mga gawaing liko at buhay na masuwayin sa Diyos na tungo sa kapahamakan at kamatayan. Mga kapatid, sa ating pinagninilayan, nasusulat sa banal na kasulatan na buhay ang ating Diyos. Ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay at alam kong ikaw na nananalig sa Panginoong Hesus ay nararanasan mo ang bunga ng kaligtasang iyong natanggap. Ang Panginoong Hesus ang nagiisang daan, katotohanan, at ang buhay. Subalit kung ating tinatanggap sa ating buhay na si Kristo ang daan, bakit marami sa atin ayaw siyang lakaran, bakit sinisigaw natin na si Kristo ang katotohanan, subalit ayaw pa din nating tanggapin na ang kinakasama mo ay hindi mo asawa sapagkat hindi kayo nagsumpaan sa harap ng Diyos, mayroon siyang tunay na asawa at pamilya at ikaw ay nadadala ng mabubulaklak niyang pananalita, ang kasama mo sa kwarto ay tinatawag mong hubby o wifey mo subalit siya lamang ay iyong boyfriend o girlfriend , sumang ayon ka sa tawag ng mundo na live-in, subalit alam mong ito ay hindi kalugod lugod sa Diyos. Alam natin ang katotohanan subalit bakit ayaw nating tanggapin ang katotohanan. Ito nawa kapatid ang ating sama samang pagnilayan, hindi tayo pipilitin ng Diyos sa ating pipiliin sa buhay. But as we are reflecting today, when we embrace repentance, kung tayo lamang ay magsisisi at hindi na mangangatwiran pa, aaminin sa harap ng Diyos ang ating pagkakamali, at aamining tayo ay makasalanan, at magdedesisyong talikdan ang kasamaan, tanggapin ang Panginoong Hesus sa ating buhay ng ganap na siya ang Panginoong Diyos at Tagapagligtas, kapatid, ang Sabi ng Panginoong Hesus, repentance for the forgiveness of Sin, ang kapatawaran ng ating mga kasalanan ay dumating na sa ating buhay. Repentance is not reducing our wicked ways , hindi ito pagbawas ng kasalanan, repentance is turning away from sins. A 180degree turn. Ang pagtalikod sa kasalanan. At mga kapatid, sa sandaling magdesisyon kang lumapit sa Diyos na ipaayos ang buhay mo sa Diyos, malayo ka pa lang ay sinasalubong kana ng Diyos. Tutulungan kang magbagong buhay ng Panginoon. Sapagkat ang higit na himala sa buhay ay maranasan mo ang pagbabagong buhay na namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. at ito ay mapangyayari ng pakikipag-isa mo kay Kristo. Hindi mo magagawa ang magbagong buhay ng mag-isa. Lilinlangin ka at dadayain ng mga pagnanasang inihahasik sa iyo ng dimonyo kung pilit mong inilalayo ang sarili mo sa Panginoon at sa kanyang Mabuting Balita. Yang mga inggit, poot, galit, sama ng loob, mga ugaling hindi mapagpatawad, yan ay inilalagay sa puso mo ng dimonyo para lituhin ka sa desisyon mo na lumakad para sa Panginoon. For out of our heart come evil desires. Hindi mo mabitawan ang bisyo mo dahil dinadaya ka ng dimonyo at sinasabing sigarilyo lang ito isang stick lang naman. Hindi mo mabitawan ang bisyo mo dahil nahihiya ka sa mga barkada mo na baka pagtawananan ka nila na ikaw ang siga noon ngayon tumatanggi kana sa alak sugal babae at sigarilyo maging droga. Kapatid, nahihiya tayo sa barkada, nahihiya tayo kay kumare at kumpare, nahihiya tayo sa tao, subalit sa Diyos hindi tayo nahihiya. Natatakot kang sabihin sa kinakasama mo na mali ang ginagawa niyong nagsasama na hindi kasal kahit alam mong ang kahihinantnan niyo sa pagpapatuloy nito ay sa malalim na bangin na kahit sumayad lang ang lamig ng tubig ay nanaisin niyo dahil sa sobrang init ng kinalalagyan niyo. Nagrereklamo ka sa bahay na tinutuluyan mo na mahina ang aircon o walang electric fan pero hindi mo naisip na sa kalalagayan mong patuloy na paggawa ng kasuklam suklam sa Diyos ay panghabang buhay na walang aircon. Kapatid, come out from lies. The Love of God has greater power.. Jesus Words are powerful and redeemed you from darkness in this life. Huwag mong sayangin ang pagliligtas ng Panginoon. Iwan mo na ang mga bagay na naglalayo sayo sa Diyos. ang mga diyus diyusan mo na ay itigil mo na at unahin mo ang Diyos. sabi ng Diyos araw ng pamamahinga ibigay sa kanya, kapatid magpahinga ka naman, huwag puro trabaho sa araw ng Panahon mo sa Diyos. Give time for God and for your family. Let your sons and daughters, your wife and husband, know God more so they can live it everyday. Do not be selfish. Do not allow yourself to be an instrument of darkeness that is snatching what God has prepared and promise to all of us. Panahon na para sa pagbabagong buhay, panahon na ang pag amin na tayo ay makasalanan. Panahon na upang kilalanin mo na si Kristo ay hindi lamang tao subalit siya ay Tunay na Diyos. Sapagkat ang hindi magagawa ng Tao ay magagawa ng Diyos. Ang hindi magawa ng tao na iligtas ang kanyang sarili ay magagawa ni Kristo na ating Panginoong Diyos at Tagapagligtas. Kapatid, ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Ito ang ating Panginoong Hesus, ang Salita ng Diyos, na sa pasimula pa ay naroon ng kasama ng Diyos at nilikha ang lahat ng Bagay ng Diyos para sa kanyang bugtong na Anak na ating mahal na Panginoong Hesus. Kapatid, God cares for you, God loves you, and God is Able to do what man can’t do. He can do and He can give what money can’t buy and can’t give. Saan ka pa magtitiwala, nawa sa ating Diyos na dakila. Yes we do care for one another, but apart from God who is able to do all things we are nothing and we can’t do anything. Yes you can live with all material things in you, but without Christ in you, there won’t be true Joy, there is no True Peace. Hindi ka makatulog sa gabi ng mahimbing kapag ang desire ng puso mo ay wala sa Panginoon. Hindi ka mapakali at hindi mo alam kung saan mo gagamitin ang yaman mo kung wala sa Kristo sa buhay mo. But with God, all things are possible. With God, you can do all things throuh Christ that gives you strenghth. Nawa kapatid ko sa Panginoon, anuman ang kalalagayan mo sa harap ng Panginoon, ikaw lang ang nakakaalam nito at ang Diyos, at kasama mo kami sa panalangin na nawa ay mabuksan ang puso at isipan mong wala tayong magagawa kung aasa tayo sa ating sariling katwiran, kung aasa tayo sa sarili nating makasarili at pilosopong pamamaraan, dalangin nating lahat mga kapatid na matuto tayong suriin ang ating mga sarili sa harap ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay matutuklasan mo ang mga nagawa mong pagkakamali, hindi para idiin ka at sabihing wala ka ng pag-asang magbago, kung hindi kapag ito ay dumating sayo , aminin mo agad sa Panginoon ng wala ng pangangatwiran, decide to ask for forgiveness in Humility at magdesisyon kang magpatawad, at tiyak yun kapatid, sa ngalan ng Panginoong Hesus ay kalugod lugod ka sa harap ng Diyos at agad agad ay pinalaya ka ng Panginoon sa pagkaalipin ng sari saring kasalanan na nagtutulak sa kapahamakan. Believe in God who is telling us anak, ako ang Diyos ng Pagibig, ako ang Diyos ng pagpapatawad, ang nais ko sayo at plano ko sa iyo ay magandang buhay na ang nilalakaran ay tungo sa buhay na walang hanggan kapiling ang Panginoong Hesus, ang nais ko sayo ay magtagumpay at hindi nananatiling bagabag at nalilito sa buhay, ang nais ko sayo ay maayos kayo ng asawa mo, ang nais ko sayo ay lumaya ka sa karamdaman, ang nais ko sayo ay mabago ang bibig mong mapagmura, mapang lait, mapangchismis, ang nais ko sayo ay makalaya ka sa bisyo na imbes na pambili mo ng gatas ng anak mo, ng libro ng anak mo, ng pang date niyo ng asawa mo , ay napupunta lang sa mga bisyo mong sumisira ng buhay mo. This brothers and sisters is for us to decide. And let us reflect on this, If God is for us, If God is with us, who can be against us… Hallelujah. Purihin ka o Yahweh El Shaddai.. The God Almighty.. the God who supplies all our needs. The God who is more than enough. We Praise you Lord Jesus, a True God, Our Saviour who does not change yesterday today and forever. We Praise you Holy Spirit. We humbly ask you to guide us and take complete control of our lives. Mama Mary and to all the Angels and Saints in Heaven, Pray for us sinners. Thank you po. To God be the Highest Glory by the Power of the Holy Spirit in Jesus Mighty and Powerful Name. Amen. 1+1=3 Lord Help Us Power Power Power… God Bless Us All….
Posted on: Thu, 04 Jul 2013 06:17:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015