Lyrics of Facebook – Hambog CHORUS: Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E - TopicsExpress



          

Lyrics of Facebook – Hambog CHORUS: Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo Di ko hahayaang maghang o magconnection error Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout Yeah! kaya ayokong maglogout 1st verse: Upo ka muna saglet relax ka muna jan mahal Pasensya na ang kanta ko para sayo napatagal Hindi ko to minadale gusto kaseng dahandahanin Kay sarap kase ang alaala natin alalanin Di kase inaasahan na ika’y makikilala Biglaan lang dating mo para bang ligaw na bala Hayaan mo ak ang kwento natin simulan Istorya ng pagmamahalan kung ano pinagmulan Isang gabe tutok sa PC at medyo maginaw Tamang search ng girl sa Facebook biglaang naligaw Ang aking diwa sapagkat isang anghel ang lumitaw At alam mo ba kung sino yon oo ikaw Titig lang sayong litrato kasiyahan natamo Ako’y tila nahipnotismo sa ganda ng mata mo Ako’y nagsend ng friend request wala na tong hiya hiya Eh kaso ang tanong ko lang ako’y iaaccept kaya CHORUS: Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo Di ko hahayaang maghang o magconnection error Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout Yeah! kaya ayokong maglogout 2nd Verse Inaccept mo ko at nagmessage ka “Thank you for the add” Kilig ako sagad sagad kaya naman reply agad Hanggang sa tumagal tungkol sayo’y alam ko na lahat Pagkat lagi kang nagkekwento pag ikaw aking kachat Di ko inakala na makikilala kita at tila may kakaiba Nadarama ko at nadarama mo alam ko na parehas na to at isa Pagmamahalan namuo satin dahil sa PC lang Wag mong iisipin na baka ika’y magsisi lang Pagkat pagibig matatag pa sa pinakamatatag At sa puso ko ikaw nagiisa na nakatag Sa status ko mahal ko na babae sisigaw Sya’y ikaw ay ikaw ay ikaw ay ikaw Ha! di na magdadasal pa Pagkat dalangin at hiling ko non ay nanjaan na Ikaw pala ang tao na nakatakda sa propesiya Na makikilala ko ng dahil sa teknolohiya Masaya ang panahon ngayon masyado nang moderno Sapagkat sa internet ko lang nakuha ang katerno Na babaeng tinalaga na habang buhay para sakin Salamat dahil sa buhay ko ika’y naglog-in CHORUS: Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo Di ko hahayaang maghang o magconnection error Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout Yeah! kaya ayokong maglogout Mensahe ko para sayo ngayon kinanta na sa mic Ipopost ko to sa wall mo sana iyong i-like Ayos lang kung negatibo man ang yong maging komento Ang sa akin lang naman nais ko lang naman ikwento Ang istorya kung saan nagmahal ang isang binata At sa istorya ko ikaw nagpaganda ng kabanata At sa awit na ito mahal ka nya kanyang panata Ikaw nagbibigay ng kulay sa mga obra ng makata Ako’y di sinungaling katauhan ko ay honest Mahilig ka sa farmville puso ko’y iyong hinarvest At ikaw laging laman ng mga sulat ko sa notebook Babae na natagpuan ko lang dito sa Facebook Magaaral na ako to love you it’s all I want to learn Salamat di mo inignore ang friend request ko kinonfirm Ang puso ko ikaw sigaw pangalan mo palaging shoutout Sa buhay ko mahal sana wag ka na maglogout CHORUS: Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo Di ko hahayaang maghang o magconnection error Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout Yeah! kaya ayokong maglogout
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 09:09:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015