MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Defense Secretary Voltaire - TopicsExpress



          

MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na lumalaki na ang garison ng China sa Bajo de Masinloc sa Zambales. Sa ginanap na budget hearing sa Kamara para sa P82.3 bilyong budget nito para sa 2014, sinabi ni Gazmin na ito ay base sa mga bagong litrato na nakarating sa kanyang tanggapan. Paliwanag ng kalihim na as of August 31, 2013 ay napansin nito ang presensya ng tatlong barko ng coast guard sa Bajo de Masinloc gayundin ang pagtatayo ng concrete blocks sa loob ng Scarborough Shoal na parang pasimula na ng konstruksyon. Muli umanong kumuha ng litrato sa lugar ang aerial at sea patrol ng AFP noong Setyembre 2 at nakita na naroon pa ang mga sasakyang pandagat ng China. Ipinaalam na umano ng DND ang ulat na ito kay Pangulong Aquino at Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario. Sinabi naman ni Akbayan Rep. Walden Bello na ganito rin ang ginawa ng China noong 1995 sa Pa­nganiban Reef (Mischief reef) kayat lubhang naalarma ang mambabatas. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Iginiit naman ni Gazmin na importanteng madala ang nasabing usapin sa United Nations.
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 02:13:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015