MWSS, tuloy sa sobra-sobrang allowances, bonus at benepisyo Ni - TopicsExpress



          

MWSS, tuloy sa sobra-sobrang allowances, bonus at benepisyo Ni Noel Abuel Sa kabila ng babala ni Pangulong Benigno Aquino III at ng Commission on Audit (COA), patuloy pa rin umano ang Metropo­litan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa pagbibigay ng sobra-sob­rang allowances, bonus at iba pang benepisyo sa mga opisyales at tauhan nito. Ayon sa COA, isinan­tabi ng MWSS ang rekomendasyon nitong inilabas dalawang taon na ang nakakalipas na itigil na ang pagkakaloob ng mil­yun-milyong piso na benepisyo sa kadahilanang walang sapat na batas para suportahan ito. Sa State of the Nation Address (SONA) ni PNoy noong 2010, kinastigo nitoangdatingpamunuan ng MWSS kaugnay ng P160.1milyongallo­wancesmalibanpasa P51.4 milyong regular sa­laries ng mga opisyales at tauhan nito. Subalitnabatidna noong 2012, tumanggap ang mga tauhan ng MWSS ng buwanang “cost of li­ving allowances ­(COLA)” at“ameliorationallo­wance” na katumbas ng 40 at 10 porsyento ng sahod ng mga ito. Sabi pa ng COA, na ang nasabing mga allowan­ces ay hindi kasama sa ina­prubahan ng Department of Budget and Management (DBM) subalit patuloy na natatanggap ng lahat ng mga empleyado ng nasabing ahensya. abante.ph/issue/sep1813/news09.htm
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 01:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015