Magalang po naming ipinapabatid na ang Kapisanang Inang Wika (KIW) - TopicsExpress



          

Magalang po naming ipinapabatid na ang Kapisanang Inang Wika (KIW) ng ating Kolehiyo ay magdaraos ng isang Timpalak sa Paglikha ng Tula na BUKAS sa LAHAT ng mga mag-aaral at may malayang paksa sa buwang ito ng Setyembre sa kasalukuyang taon. Mekaniks sa Timpalak sa Paglikha ng Tula 2013 1. Isang Timpalak sa Paglikha ng Tula na nagpapahalaga sa wika ng Pilipinas at Panitikan. 2. Para sa patimpalak na ito HINDI kinakailangan ang tradisyunal na sukat at tugma. 3. Ang patimpalak ay BUKAS SA LAHAT NG MGA ESTUDYANTE ng MMSU-College of Industrial Technology. 4. Malaya ang paksa ng patimpalak ( kahit tungkol saan ang tula ay puwede). 5. Ang lahok o entry ay binubuo ng dalawang pahina: ang unang pahina ay naglalaman ng pangalan ng makata, seksyon na kinabibilangan at pamagat ng tula; ang ikalawang pahina ay naglalaman ng pamagat ng tula at ang mismong nilalaman ng tula. (Short bond paper, medium size,typed-written / computerized, double-spaced, 12 font size, Arial font type. Tiyakin na naka-staple ang dalawang pahina. 6. Maaaring ipasa ang mga lahok o entry sa mga guro na nagtuturo ng Filipino o tagapayo ng Kapisanang Inang Wika (KIW) maging sa pangulo ng KIW na si G. Harold M. Bacay, BSIE-4 o sa facebook account ng Kapisanang Inang Wika CIT. 7. SETYEMBRE 30, 2013 (LUNES) ang huling araw ng pagpapasa. 8. Apat ang mapipiling magwawagi sa patimpalak na ito: Kampeon, una, ikalawa at ikatlong gantimpala, na makakatanggap ng sertipiko at cash mula sa Kapisanan. Ilalathala rin sa SINAG,opisyal na pahayagan ng KIW o sa “The Frontier”,opisyal na pahayagan ng MMSU-CIT, ang mga magwawaging lahok. 9. Para sa katanungan/paglilinaw tumawag o mag-text sa 0919-3878687. 10. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal batay sa panuntunan at sangkap ng tula. ...........SALI NA!!!!!!!
Posted on: Mon, 16 Sep 2013 13:48:55 +0000

Trending Topics



:0px; min-height:30px;"> Hubby let Reina out this morning when he got up at 5. She would

Recently Viewed Topics




© 2015