Magpatala para sa Barangay at SK Elections, panawagan ng - TopicsExpress



          

Magpatala para sa Barangay at SK Elections, panawagan ng Comelec-Baler ni Joselito S. Libranda BALER, Aurora, Hulyo 26 (PIA) -- Nanawagan ang Commission on Election sa mga nais makaboto sa Baler na magpatala na sa kanila. Nagsimula na noong Lunes, Hulyo 22, ang biometrics voters’ registration ng Comelec at matatapos hanggang ika-31 ng Hulyo 2013. Labing walong taong gulang pataas ang mga kwalipikadong bumoto para sa Barangay Election at 15 hanggang17 taon gulang naman ang mga kwalipikadong bumoto para sa Sangguniang Kabataan Election ayon sa Comelec. “Sana ay magpatala na ang mga kuwalipikadong kabataan at mga botante na nais na makaboto sa darating na halalang lokal,” sabi ni Alma P. Broqueza, ang Election Officer ng Comelec Baler. Ito aniya ang pagkakataon upang magamit ng bawat isa ang kanilang mga karapatan sa pagboto, dagdag pa niya. Inaanyayahan na rin ng Election Officer ng Comelec Baler ang lahat ng qualified voters na magtungo sa kanilang tanggapan para magpatala. Kasabay nito, ipinanawagan na rin ng Comelec Baler ang mga magpaparehistro na magdala ng kanilang birth certificate at valid ID upang mapadali ang gagawing pagrerehistro. sinabi rin ni Broqueza sa mga magpaparehistro na bukas ang kanilang tanggapan sa Baler maging Sabado at Linggo, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. (JSL/PIA-3) comelec.gov.ph/?r=home
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 09:35:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015