Magulang oobligahin magtanim 2 puno kada sanggol na isisilang Ni - TopicsExpress



          

Magulang oobligahin magtanim 2 puno kada sanggol na isisilang Ni Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 26, 2013 MANILA, Philippines - Mandatoryo nang pagtatanimin ng dalawang puno ang mga magulang sa bawat sanggol na ka­nilang ipapanganak. Kung maging batas ang House Bill 261 o ang Family Tree Planting Act of 2013 ni Parañaque Rep. Eric Olivarez, makakasiguro umano na tinata­yang nasa apat na mil­ yong puno kada taon ang maitatanim, base sa datos mula sa National Statistics Office and Human Deve­lopment Report na dalawang milyong sanggol na ipinapanganak sa Pilipinas kada taon o 166,667 kada buwan o 5,556 araw-araw. Makakatulong din ito na maipaabot at maituro sa mamamayan ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno at reforestation sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Isa pang solusyon ang pagtatanim ng puno sa lumalalang pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya dala na rin sa nakakalbong gubat. Sa ilalim ng panukala, ang bawat mag-asawang naninirahan sa Pilipinas, kasal man o hindi ay kailangang magtanim ng dalawang puno sa bawat sanggol na kanilang iluluwal sa mundo. Kapag hindi maa­aring magtanim sa kanilang lugar ay maaaring itanim ang puno sa lugar na itatalaga ng kaukulang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) o Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) kung saan sila nakatira. Magsisilbi din itong pre-requisite sa pagpapa­labas ng Certificate of Live Birth ng bata mula sa Local Civil Registrar. Kaila­ngang gumawa ang mga ito ng affidavit na sinum­paan sa harap ng Punong Barangay kung saan sila nakatira o itinanim ang puno. philstar/bansa/2013/08/26/1134511/magulang-oobligahin-magtanim-2-puno-kada-sanggol-na-isisilang
Posted on: Sun, 25 Aug 2013 19:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015