Mahigit na 50 ang patay sa Iloilo Posted by Bombo Iloilo Posted - TopicsExpress



          

Mahigit na 50 ang patay sa Iloilo Posted by Bombo Iloilo Posted in Latest News Saturday, 09 November 2013 20:30 ILOILO CITY - Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan ng Iloilo dahil sa pananalasa ng super typhoon Yolanda. Kinumpirma sa Bombo Radyo ni Mayor Rene Corder na umaabot sa 30 ang patay sa kanilang bayan sa Estancia, Iloilo. Tatlumpo sa mga biktima ay mga mangingisda at pawang sakay sa bangka na nakadaong sa kanilang pier at hindi umalis kahit pa alam na may paparating na bagyo. Lima naman ang naitalang patay sa karatig bayan na Balasan, pito sa San Dionisio at lima sa bayan ng Ajuy. Nakuha ng Bombo Radyo Iloilo ang bilang ng mga patay sa nabanggit na mga bayan dahil hanggang sa ngayon isolated pa rin ang mga ito at ngayong gabi lang naabot ng report ng Bombo Radyo. Sa ngayon mahigit na sa 50 ang patay sa Iloilo at may pangamba na madadagdagan pa ito dahil may ilan pang mga biktima na nagmumula sa mga island barangays sa Northern Iloilo na siyang hardly-hit sa lalawigan ng Iloilo. Napag-alaman na kaninang hapon ay idineklara na ang state of calamity sa lalawigan ng Iloilo. source bombo radyo crazycomet
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 15:45:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015