Maraming mga bata ang tumilapon sa bus (Update) Halos shocked - TopicsExpress



          

Maraming mga bata ang tumilapon sa bus (Update) Halos shocked pa sa pangyayari ang ilang pasahero nang magkwento sa malagim na karambola ng mga sasakyan na ikinamatay ng 19 na katao at halos 50 mga sugatan sa Atimonan, sa Quezon province kaninang madaling araw. Ayon kay Rosalina Lomo, tulog na tulog umano ang lahat ng mga pasahero ng Superlines bus nang mangyari ang insidente. Tuloy tuloy lamang umano ang mabilis na takbo ng bus at nang salpukin ito ay nakita umano niya na maraming mga bata ang tumilapon. Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang ten- wheeler truck ang siyang itinuturong sanhi ng malagim na trahedya na naganap pasado ala-1:00 kaninang madaling araw. Pinaniniwalaang nagkaroon ng mechanical failure ang truck at bumangga sa hulihang bahagi ng Superlines na naging daan upang makasalpok ito sa kasalubong na mga sasakyang kinabibilangan ng dalawang pampasaherong bus, dalawang truck, isang trailer at isang jeep. Una nang kinilala ng Quezon police information office ang 13 sa 19 na mga namatay na sina: John Omar Talicol y Repaso, 33, ng Cena St. Labac, Naic, Cavite; Camacho Nexter y Recana; Maria Teresa Diesmo; Perfecto Zaño y Diesmo; Henry Malaluan; Ronnie Villeja y Cagas; Noe Nuñez y Cera; Danilo Espencilla; Michael Villamor y Olazo; Jodelyn Consuelo, Rene Jimenez, Ibn Rajick at Muksan y Seno. Samantala, desidido naman ang pamunuan ng Superlines na magsampa ng kaso sa may-ari ng ten-heeler truck. Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ramil Decena, personnel and admin manager ng Superlines, sinabi nito na oras na matukoy na ang may-ari ng truck ay idadaan nila sa usapang legal ang lahat. Nabatid na nagbigay na rin ng financial at medical support ang Superlines sa mga biktima. Batay sa listahan ng naturang bus company, humigit kumulang sa 35 ang pasahero ng kanilang bus na hanggang ngayon ay ginagamot sa Emil Joanna General Hospital, Gumaca Dristrict Hospital at Doña Marta Memorial Hospital habang may ilan ding nakatakdang ilipat sa Metro Manila. Napag-alamang personal namang nagpaabot ng tulong ang alkalde ng bayan ng Capalonga, Camarines Norte na si Mayor Senandro Jalgalado sa kaniyang mga kababayan na lulan ng Superlines at tumulong pa umano sa pagtukoy ng mga bangkay. Sa impormasyon ding ipinarating sa Bombo Naga, nabatid na kasama rin sa mga namatay ay si Judelyn Consuelo, municipal accountant ng bayan ng Capalonga. Ayon kay Decena, hindi biro ang naganap na aksidente dahil halos karamihan sa mga pasahero ng kanilang bus ay posibleng nabagok ang ulo, nadaganan ng bus at naipit ng mga upuan habang may ilan pang nakasiksik sa truck, nakaladkad at naputulan ng kamay. Liban sa Superlines (with body number 441) na binabagtas ang bahagi ng Diversion Road sa Brgy Sta Catalina, Atimonan at patungong Camarines Norte ang iba pang nasangkot sa insidente ay Isarog bus with plate number TYX 985, DLTB Bus with plate number UYA 669 ay trailer truck with plate number RMK 220. Ang mga sangkot na driver ay nakilala naman na sina Albert Talento Nava, 48, may asawa at residente ng Brgy Mataque, Capalonga, Cam Norte na siyang driver ng Superline bus; Fructuso Gomez na taga-San Pedro Laguna driver ng forward truck; isang Jose Sualibio na taga- Angono, Rizal, driver naman ng forward truck with plate number RMD 880; ang driver ng DLTB bus na si Edgar Ongquit y Solano na taga-Labo Cam Norte; ang driver ng tractor trailer truck na si Renebor Matic y Estarez, na taga-San Ildefonso, Bulacan habang wala pang identity ang driver ng dalawa pang sangkot na mga sasakyan. Samantala ang mga sugatan na pasahero ng Superlines bus na dinala sa Doña Marta Memorial District Hospital ay sina; Jonnel Paunil y Labana, 26, single, Brgy Angeles, Atimonan, Quezon; Gracielle Pauli y Labana, 22, single, Brgy Angeles, Atimonan, Quezon; RealynElot y Azures, 19, single, Sta Elena, Camarines Norte; RosaliaLaloma y Ibias, 38, married, Capalonga, Camarines Norte; Alena Maria Gaño y Cataroja, 16, single, Capalonga, Camarines Norte; Elena Olit y Paronda, 31, single, Brgy Ubang, Capalonga, Camarines Norte; Carl Francis Bacarro y Francisco, 16, single, Sales St., Tondo, Manila; Michael Angelo Gaño y Cataroja, 23, single, Capalonga, Camarines Norte; Nestor Chavez, Jr. y Delfino, 26, single, Brgy Silang II, Labo, Camarines Norte; CharlimagneUreña y Cañet, 26, single, Brgy Itok, CapalongaCamarines Norte; Richelyn Albaracin y Acungin, 36, married, Capalonga, Camarines Norte; Shane Anne Pestejo y Tapero, 14, single, St., Francis, Tiaong, Quezon; Maria Clara Rudino y Llamas, 64, married, Brgy Rawis, Legaspi City; dalawang bata na hindi pa nakilala na kapwa isang taong gulang; Apolinario Judavar y Arce, 33, Brgy San Lorenzo, Guinayangan, Quezon (co-driver Superlines). Habang ang iba pang mga sugatan mula rin sa Superlines bus na dinalan naman sa Emil Joahna hospital ay sina Rodrigo Florendo y Cunanan, 52, married, Catiaoan, Capalonga, Camarines Norte; Nenita Laude y Salcedo, 59, widow, Brgy Catabagoongan, Capalonga, Camarines Norte; AdelynJuego y Indo, 42, married, Brgy Poblacion, Capalonga, Camarines Norte; Raymond Vejerano y Silvestre, 30, married, Purok II, Pob. Capalonga, Cam Norte; DivinaSolares y Olila, 27, married, Parang St., Capalonga, Camarines Norte; Laurence Pagaduan y Olila, 2, Parang St., Capalonga, Camarines Norte; Gina Yaguel y Magistrado, 38, single, Lucban, Capalonga, Camarines Norte; KenjieYaguel y Toller, 3, Lucban Capalonga, Camarines Norte; Wilfredo Serrano, Jr y Siate, 34, married, Brgy Poblacion, Camarines Norte; Delia Serrano y Siate, 62, married, Brgy Poblacion, Camarines Norte; Rossel Marquita y Sañosa, 31, Brgy Rizal, Sta Elena, Camarines Norte; GraciaTarrobago y Cupaon, 69, married, Bagong Silang II, Capalonga, Camarines Norte; Stephanie Tarrobago y Dela Vega, 5, Bagong Silang II, Capalonga, Cam Norte; Melanie Alto y Armidilla, 30, single, Purok II, Poblacion, Capalonga, Cam Norte; Liza Varona y Alto, 69, Poblacion, Capalonga, Camarines Norte; Marites Orit, 40, Capalonga, Camarines Norte; Rosirita Grapita at isa pang hindi nakilalang isang taong gulang. Ang sugatan na mula naman sa Isarog bus na nadala sa Emil Joahna hospital ay kinilalang si Salvador Madrid y Rey, 48, married, Poblacion, Capalonga, Camarines Norte. Meron ding nadala sa Gumaca District Hospital na sina Wifredo serrno y Siaty, 34, Capalonga, Cam Norte; Delia Serrano y Siaty, 62, Capalonga, Cam Norte; Sonia Bravo, 23; Magsaysay Capalonga, Jamaica Durante, 1, Binawagan Capalonga; JD Kahiyang, 5, Binawagan, Capalonga; Sharon Nunez, 7, at Nick Raven Nunez. Samantala dahil sa matinding tama sa katawan ita-transfer sa pagamutan sa Hospital sa Lucena City ang mga sumusunod: Ronnie faharin, 23, Bagong Silang, Labo Cam, Norte; Reynaldo de Guzman Garcia, Balayan Batangas; Joven Roco Jitomo, 23, Bagong Silang Labo, Cam Norte; Romelyn Pacao, 23; Peter Capalonga, Yaleian Pineda, 1 yr. 6-mos. Bombo Radyo admin Rapista
Posted on: Sat, 19 Oct 2013 10:31:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015