March 17, 2014 (3:42 AM KST) On Borrowed Time: Goal Setting At - TopicsExpress



          

March 17, 2014 (3:42 AM KST) On Borrowed Time: Goal Setting At long last, nakatyempo din ng mahaba-habang chit-chats with my panganay Misyel. Para naman akong lumutang sa cloud nine. She told me that our bunso, Macy, wants to go to Australia and just work as a nurse. I was surprised since just the early morning before, I was talking to her on the phone telling her to concentrate on her medical studies. I will take care of the expenses. Ok ka na ba? Kelan ka luluwas? Nandyan kay ate Meilin yung pera mo. Hingi ka sa kanya. I was not aware, once in a while, nag-uusap pala silang magkakapatid. Eh Papa, naaawa na kasi si Macy sa yo. Baka nahihirapan ka na. Gusto na lang nyang pumunta dito para magtrabaho. Para daw makauwi ka na, sabi ng panganay. Pinag-uusapan pala nila kung ano gagawin nila sa akin. While on my own, I was also doing my own goal setting. So I assure them, Dont worry. I already have a plan what to do after two years while at the same time waiting for Macy to finish her studies. Kayang-kaya ko pa. Pinaghahandaan ko na rin ang pag-uwi ko. I have set myself a goal that in two years time, I can have something to start with in the new chapter of my life. Para sa isang magulang, di ba ang sarap ng pakiramdam na iniisip ng mga anak ang aking kapakanan? And I am always proud telling this to our friends. Alam ko naman na hindi nila ako pababayaan. Pero habang may lakas pa at kaya ko pang gumawa ng pansarili kong plano sa buhay; sabi ko sa kanila huwag silang mag-alala. At kahit hindi ko binanggit, kahapon ng umaga pagkatapos ng panggabing trabaho dumaan ako sa simbahan. Nandoon lang ako at nakaupo sa harap ni Mama Mary, nakiusap na sana huwag akong pabayaan sa loob ng hinihiling kong dalawang taon pang borrowed time. Na sana habang pinapatapos ko si bunso na matupad ang pangarap niyang maging doktora; kasabay ko ring matupad ang sarili kong plano na magretire. All I need now is an extended two more years of borrowed time to achieve the goal I have set for myself. At iyan din ang prayers ko for our friends here On Borrowed Time na sana matupad din ninyo ang inyong mga pangarap: pansarili man o para sa inyong mga mahal sa buhay na siyang dahilan kung bakit kayo nagpapakahirap. May the Good Lord and our Mama Mary be by our side always. Amen emmkorea
Posted on: Sun, 16 Mar 2014 19:14:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015