Mariing pinabulaanan ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang - TopicsExpress



          

Mariing pinabulaanan ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang kumakalat na impormasyong tumanggap din ng pondo ang kanilang tanggapan mula sa disbursement acceleration program (DAP). Ayon kay Brillantes, ang kanilang ginagastos sa halalan ay kasama sa taunang budget na binubusisi sa Kamara at Senado. Katunayan, may mga pagkakataon pa nga na hindi napagbibigyan ang kanilang hinihiling na pondo, kagaya sa nalalapit na barangay elections kung saan mahigit P3 billion sana ang kailangan ngunit P1 billion lamang ang naipagkaloob. Maging ang intel fund umano ay hindi nagmula sa DAP dahil savings ito na nalikom dahil sa pagkansela ng ilang okasyon sa Comelec, pagpatay ng power supply sa tanghali at paglilimita ng kanilang mga byahe. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/26403-di-kami-nakatanggap-ng-pondo-mula-sa-dap-comelec-chief#sthash.pcBetAz7.dpuf
Posted on: Thu, 10 Oct 2013 10:38:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015