Megan pararangalan ng Senado (Dindo Matining) Pararangalan ng - TopicsExpress



          

Megan pararangalan ng Senado (Dindo Matining) Pararangalan ng Senado si Megan Lynne Young, ang kauna-unahang Pinay na nanalo sa prestihiyosong Miss World 2013 na ginanap sa Indonesia. Sa Senate Resolution 274 na inihain ni Sena­dora Grace Poe, nais nitong kilalanin ang achievement na nagawa ni Young para sa bansa matapos mapanalunan ang naturang pa­timpalak. “This the first time the country has won the co­veted title, exemplifying a shing symbol of peace and inspiring a generation of young women,” ani Poe sa kanyang reso­lusyon. Nitong nagdaang Sa­bado ng gabi, kinorona­han ang 23-anyos na host-actress-model ­bilang Miss World 2013 at kauna-una­hang Pinay na ­nanalo sa naturang ­beauty ­pageant. Tinalo ni Young ang 126 beauty queens na suma­li sa nasabing patimpalak. Bago makuha ang korona bilang Miss World, nanguna rin si Young sa Top Model challenge event, pang-apat sa multi­media category at panlima sa 11 finalists sa beach fashion pre-pageant. “Megan Young is a true symbol of peace in these trying times, ­bringing glory to a nation that needs understan­ding,” ayon pa kay Poe.
Posted on: Wed, 02 Oct 2013 00:49:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015