Mensahe sa mga katulad ko na NAMAMASAHE: Tayo po ay naninibago - TopicsExpress



          

Mensahe sa mga katulad ko na NAMAMASAHE: Tayo po ay naninibago sa bagong sistema ngayon ng Maynila sa mga BUS na bumabyahe papasok ng Maynila. Sana naman po, huwag lang puro negatibo ang ating pinag-iisip porket sa nadagdagan ang budget natin sa pamasahe at maglalakad pa tayo ng konti para makasakay uli. Sana naman po maisip din natin ang mabubuting maidudulot nito sa mga darating pang panahon. Ngayon talagang mahihirapan tayo dahil nasanay tayo sa matagal na sistema, pero sana maisip natin na maaayos din ang mga bagay-bagay. Huwag po tayo puro REKLAMO dito REKLAMO doon, dahil tanggapin mo man o hindi wala ka ng magagawa. Ang magagawa mo na lang ay sumunod, pano magiging maayos ang sistema kung di ka marunong sumunod? Alam mo bang sa simpleng pagtatapon lang ng balat ng kendy sa di tamang tapunan ay maituturing ka na ding problema ng bansang ito? Nagrereklamo ka na hindi kumikilos ang MAYOR ng lugar nyo, ngayong nararamdaman mo ang ginagawa ng MAYOR mo eh reklamo ka ng reklamo. Tama bang kaisipan yun? Magtulungan po tayo, makikita rin ang kaunlaran ng isang bansa sa kanyang kalsada. Paalala lang po natin na minsan sa sobrang kalayaan ay UMAABUSO ang mga tao. Magreklamo ka kung kaya mong gawin yung ginagawa ng mga nakakataas sayo. Igalang natin ang mga namumuno sa bansang ito.
Posted on: Wed, 07 Aug 2013 13:49:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015