Mga Kasabihang Nabago at sumunod sa Panahon ..haha ♥ • - TopicsExpress



          

Mga Kasabihang Nabago at sumunod sa Panahon ..haha ♥ • Aaanhin pa ang damo kung cocaine na ang uso. • Walang matimtiman birhen sa maniac na amo. • Ang lumalakad ng matulin may hinahabol na guwapo. • Ang batang mabait laging inuuto. • Ang batang masipag paglaki pagod. • Ang di marunong mag mahal sa sariling wika sa call center naglipana. • Ang di marunong mag mahal sa sariling wika karamihan mga baklang trying hard mag Inglish. • Aaanhin mo ang malaking bahay kung katulong ka lamang dito. • Ang ungoy bihisan mo ng seda at balutin mo ng ginto … Aba, sosyal na ungoy na siya. • Ang di marunong lumingon sa pinangalingan siguradong may stiff neck. • Kapag bukas ang kaban marami ang gustong magnakaw. • Sa hinaba haba ng prusisyon kung may short cut bakit di nalang doon dumaan. • Habang maiksi ang kumot huwag munang matulog. • Sakit ng kalingkingan dapat ipagamot agad sa doctor. • Ang taong naniniwala sa sabi sabi … siguradong tsismosa.
Posted on: Mon, 24 Jun 2013 07:23:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015