Minsan sinisi mo pa si BOSING kung bakit nangyayari sa iyo ito? - TopicsExpress



          

Minsan sinisi mo pa si BOSING kung bakit nangyayari sa iyo ito? Ano ang gagawin ko? Bigla na lang tutulo ang luha mo… bababa ang tingin mo sa sarili mo, iisipin mo unlikable ka, loser, walang kwenta.. sadyang nakakababa ng self esteem pag yun taong gusto mo hindi mo makuha kahit anong gawin mo. . Mahirap kalaban ang puso lalo na ang ego. Yung iba gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.. magwawala, kung dati good girl.. ngayon ang tawag sa kanya ” GOOD GIRL GONE BAD” sisirain ang sarili dahil lang dun. Kung lalaki naman syempre good boy naging BADBOY . Yun iba maglalasing, lulunurin ang sarili sa alak para mawala yun sakit na nararamdaman pero pag gising mo bukas doble ang balik sayo.. Broken hearted ka na nga broken head ka pa! Kasi masakit ang ulo mo sa hang over pero andun pa din ang sakit. Yun iba naman maghahanap ng panakip butas which is not advisable kasi lalo lang lalala ang sitwasyon, may mga taong ka pang masasaktan at idadamay para mawala lang yan sakit na nararamdaman mo.
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 06:57:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015