My Love is a Nerd : Chapter 10 Matapos ang isang linggong - TopicsExpress



          

My Love is a Nerd : Chapter 10 Matapos ang isang linggong bakasyon naisip ni Ashgab na walang mangyayaring maganda sa kanya kung hindi niya papalitan ang sariling tumayo at lumaban. Binale-wala niya ang bulung-bulungan sa LinkWorld nang pumasok siya sa opisina. Isang linggo pa ang lumipas bago bumalik si Zed sa Pilipinas. At iyon ang pagkakataong hindi niya mapapalampas. “Thank God, you came back.” Pinilit niyang ngumiti nang sadyain niya ito sa opisina nito. Noon din ay tila gusto na niya itong sampalin, sumbatan, bombahin ng masasakit na salita at kung ano-ano pa, ngunit ilang araw na rin niyang napag- isipan iyon at naisip niyang hindi iyon pinakamagandang paraang magagawa niya upang kalimutan ang mga nangyari. Hindi siya magpapakita ng pagkatalo. “I have to, he answered coldly. Halata niyang hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Nakaupo ito sa swivel chair nito, hindi kababakasan ng pagbubunyi kundi kalungkutan. TIngin niya ay bahagya itong namayat. Humaba nang bahagya ang buhok at nagkaroon ng bigote. “Walang ibang inaasahan si Papa sa kompanya kundi ako. Minsan lang itong sumulyap sa kanya, tila may gustong makita sa kanyang mga kamay. Resignation letter? Huh, sinong may sabing mare-resign ako? Hindi ako talunan! “Here’s your ring,” sabi niya at ibinaba sa desk nito ang engagement ring. “Nagkausap na kami nina Dina at Lena,” tukoy niya sa courturier at wedding coordinator. “Wala na pala akong dapat problemahin dahil binayaran mo na ang lahat ng kailangan bayaran bago ka umalis ng Pilipinas. Anyway, thanks a lot for that.” Hinintay niya itong magsalita, ngunit natahimik ito nang ilang sandali habang nakatitig sa kumikislap–kislap na singsing. “I have a lot of things to do so I think I must go back to my office, Sir,” sabi niya nang hindi pa rin ito nagsasalita. Tumalikod na siya nang manatili itong tahimik. Bubuksan na lamang niya ang pinto nang marinig niya ang tinig nito. “Is that all Ahsley?” he asked in a soft voice. “Bakit hindi ka nagagalit? Bakit hindi mo ako sumbatan? Sampalin mo ako. Say something.” Nanatili siyang nakaharap sa pinto. Gusto na namang sumambulat ng kinikimkim na galit. Gusto na niyang umatungal ng iyak. Ngunit, hindi. Hindi siya magpapakita ng kahinaan sa lalaking nagdulot ng sobrang sakit sa kanyang dibdib. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ko ginawa iyon?” he said again. “Kung bakit hindi ako sumipot sa araw ng kasal natin? Ask me now, Ashley.” Saka lamang siya humarap dito, nakataas-noo at pigil ang pagluha. “Hindi na kailangan, Ze—Sir,” pilit itinuwid ang boses niya. “I already knew the answer. You love yourself too much. Ayaw niyong mapakaseryoso sa isang relasyon dahil ayaw niyong masaktan ang sarili niyo. Mas gusto niyong magpahirap ng babae kaysa pasakitan niyo ang sarili niyo. Ano pa ba ang hindi malinaw roon?’ “At alam mo ba kung bakit ako nagkaganito?” Noon lamang niya naaninag ang panunumbat sa mga mata nito. “Kilala mo ba kung sino ang nagturo sa akin upang mamuhi sa mga babae? Perhaps, you have no idea, Ashley.” Saglit siyang natigilan at nawalan ng masasabi. “You’ll never know how painful it was, Ashley. Hindi ikaw nag nagpakabaliw sa isang tao. Hindi ikaw ang nagpakatanga o nagpakababa para lang mapansin ng taong iyon. Hindi ikaw ang nasaktan nang pinaghintay ng matagal tapos nang makarating lait pa ang mabubungaran. Hindi ikaw, Ashley.” He gritted his teeth. Ramdam niya ang matinding galit na namumutawi sa dibdib nito. “Taon ang lumipas pero hindi nawala sa isip ko ang mga nangyari. Kahit saan ako pumunta ay sinusundan ako ng nakaraan na iyon. And it changed me. It made me someone I never imagined I would be, Ashley. I learned to hate women. I learned to have doubts about women. In short, my heart died, Ashley. “Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan. You are responsible for all the pains that have lived in my heart for years. Nangingiti ako ‘pag may isang babaeng umiiyak sa harapan ko, begging me to marry her, asking me to stay in that woman. Ikaw ang nakikita kong umiiyak, nasasaktan at nagmamakaawa sa akin, Ashley. Ikaw lang.” Dinuro pa siya nito. Tears overfilled her eyes. Naghanap siya ng magandang kapalaran sa pag-ibig at iyon ang nakamtan niya. Ang parusahan siya ng isang lalaking minsan ay nasaktan niya. “Alam mo ba kung anong naramdaman ko nang makita kitang muli?” Bahagyang tumaas ang tinig nito. “Hatred, resentments, pain. Pero tiniis kong itago ang lahat ng iyon dahil gusto kong iparamdam sa’yo ang sakit na ibinaon mo sa puso ko sa napakatagal na panahon. Ngayon ko lang nailabas ang lahat ng ito, Ashley. Ngayon lang.” “At masaya ka na ba?” Hindi niya mapigilan ang paggaralgal ng boses niya. Dinukot niya ang panyo mulas sa bulsa ng blazer at pinahid ang sunod-sunod na bumabagsak na luha. “Are you satisfied now, Zed? Is this the only thing that can make you happy? Ang makita akong nahihirapan?” Nagtaas noo siya, nagpapakatibay. “And are you hurt?” Muli itong nag-angat ng tingin. “Did you ever feel this killing pain I’ve felt for so many years? Of course, never. Ashley. Dahil noon pa man ay wala ka nang puso. Ang tingin mo sa lalaki ay libangan,utusan, plaything. Hindi na ako nagtaka nang malaman kong single ka pa rin sa edad mong ‘yan. Never kang magpapakaseryoso sa lalaki dahil hindi ka marunong makontento sa iisang lalaki. Tiim-bagang na lumapit siya at binigyan niya ito ng isang sampal sa pisngi. “Kaya natawa ka nang malaman mong birhen pa ang babaeng itinuturing mong hindi marunong makontento sa lalaki, ganon ba, Zed? Ang tingin mo sa akin ay always game sa lahat ng bagay. Hindi na masasaktan kahit alispustahin mo ang pagkatao ko? You look at me as a whore!” “You may go now,” he said after a while. Nagbaba ito ng tingin at nag-anyong may ginagawa. “Bakit? Nagi-guilty ka? Hah, Zed, kung habang-buhay na hindi matatanggal sa isip mo ang mga nangyari noon, umaasa kang ganon din katagal na mananatili sa isip mo ang nangyari sa atin.” Pinilit niyang ngumiti. “You are the first man in my life. Ikaw ang pinakaunang lalaki sa buhay ng babaeng itinuturing mong hindi nakokontento sa iisang lalaki. What if I tell you that I’m pregnant?” Bigla itong napa-angat ng mukha. “Yes, I’m pregnant.” Sinabi lang niya iyon kahit hindi siya sigurado kung iyon nga ang dahilan ng malimit niyang pagduduwal at pagkahilo. Magdadalawang buwan na siyang hindi dinaratnan, ngunit irregular naman ang monthly period niya kaya hindi pa rin siya siguradong buntis nga siya. Natatakot siyang magpatingin sa doctor dahil natatakot siyang malaman ang resulta. Natatakot siyang magdala ng isang batang walang ama. “I’ll tell you frankly, Zed,” she went on. “Hinanap ko si Kyle kaya ako napadpad sa kompanyang ito. Pero nagbago ang lahat nang makita kita. Don’t get me wrong. It’s foolishness to fall in love with for the rest of your life, is it not? Natatakot akong tumandang dalaga. Natatakot akong tumanda na walang kasama. “Kaya hinanap ko si Kyle. Pero ikaw ang naging visible sa mga mata ko. Why? Because it seemed that you have everything. You can give me better life. In short, isang magandanng future ang naghihintay sa akin at sa aking magiging anak sa piling ng isang katulad mo. So, I just gave it try. “Tutal naman, burado na ang dating Zed na ikinahihiya ko sa lahat. Isang lalaking never kong inimagine na kasama ko sa aking pagtanda. To make the long story short, pumayag lang akong magpakasal sa’yo dahil doon. Pero hindi ka naman pala seryoso sa akin. And it’s okay with me.” Muli siyang ngumiti. “I’m going to have a baby of my own, anyway. So I’m never going to be alone. Never. This child in my womb will complete me, Zed. I’m not needing any man as much as I’m not needing you. Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Wala na siyang narinig na salita mula rito. Feeling niya ay siya parin ang nanalo ng mga sandaling iyon. Subalit nang kabigin niya pasara ang pinto ng opisina nito ay isa-isa nang naglandas ang luha sa mga pisngi niya. Lahat ng mga sinabi niya ay may halong kasinungalingan upang hindi siya magmukhang kaawa-awa sa paningin nito. Hindi totoong hindi niya ito mahal. Hindi totoong hindi niya ito kailangan sa buhay niya. If it was true, hindi siya masasaktan ng ganito. Kung totoo mang nagdadalang-tao siya, mas lalong dapat niyang kailangan si Zedrick Saher Reyes, more than anyone else in the world. *** “Congratulations, Miss Morgan, you’re two months pregnant.” Natulala na si Ashley pagkarinig sa sinabi ng doctor. Napatingin siya sa kaharap sa upuang si Pre. Hindi niya magawang magsaya kahit noon pa man ay gusto na rin niyang magkaanak. “Naku, magkaka-apo na tayo!” natutuwang saad naman ng tita tam niyang awtomatikong napayakap sa lola glo niya. “Magiging ninang na ako!” malakas namang sabi ni Pre. Ngunit nanatili siyang nakatulala. Hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman. Naalala na naman tuloy niya si Zed. Kamusta na kaya ito? Naiisip pa rin kaya siya nito? Imposible. Kung naiisip man marahil siya nito, iyon ay dahil sa nagawa na nito ang noon pa binabalak na paghiganti sa kanya. “Huwag ka nang malungkot, Ashgab,” sabi ng tita tam niya pang pauwi na sila. Akbay-akbay siya nito. “Ayaw mo n’on , may nadagdag sa pamilya natin. Mas magiging masaya tayong lahat. “Lilinisin ko iyong isang kuwarto sa bahay para siyang maging kuwarto ni Baby,” masayang sabi ulit ng tita tam niya. “Tulungan ko ho kayo ‘pag wala akong pasok,” excited namang sabad ni Pre na para bang ito ang magiging ina at hindi siya. “Mamimili na rin ho tayo ng mga gamit at laruan ng bata. May kakilala ho ako na ahente ng education insurance. Kakausapin ko na ho siya para malaman natin kung ano ang magandang plan para sa baby.” “Naku hija, bago iyan ay mas mabuti kung bibili ka muna ng librong may mga pangalan ng bata para mas makapamili tayo ng magandang pangalan.” “Ay, naku, lola glo, hindi na po kailangan,” sabi ng kaibigan niya. “May listahan na po ako ng baby’s name para hindi na po ako mahirapang mag-isip ng pangalan kapag ako ang nanganak.” “Masyado ka namang excited,” mahinang saad nito. “Talaga!” may pagmamalaki pang sabi nito. “Masarap yatang maging ina. Kaya huwag ka nang malungkot, okay? It’s a special gift from God, Ashgab.” “Yeah,” napatangong sabi niya. It’s really a gift. At mamahalin ko ang batang ito kahit hindi ko kasama ang ama niya.” “That’s my niece,” pa-ingles pang saad ng tita tam niya. “Kung babae ang anak mo, I’m sure na kamukha mo,” saad ni Pre. “Kung lalaki naman, kamukha tiyak ni Zed,” dugtong naman ng lola glo niya. “Guwapo at—“Bigla itong natigilan nang tila mapansing umaskad ang timpla ng mukha niya. “Ay, sorry, apo.” ‘Kung bakit kasi ipinaalala pa ang mga taong hindi na dapat ipaalala,” sabi ng tita tam niya. “Maanong tumahimik na lang kayo lola glo.” Napangiti na lamang siya. Wala mang isang Zed sa tabi niya, may lola glo, tita tam at kaibigan naman siyang parating nakaalalay sa kanya. Lloydrhek m/
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 07:35:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015