My Love is a Nerd : Chapter 12 “The Ending” “Pare-pareho ba - TopicsExpress



          

My Love is a Nerd : Chapter 12 “The Ending” “Pare-pareho ba ang intesiyon niyo nang ligawan niyo ako, Charlie?” Pormal na pormal ang mukha ni Ashgab habang nakaupo sa harap ng hairdresser sa loob ng parlor ng auntie ni Charlie. Nakatitig siya sa repleksiyon nito sa malaking salamin. Hindi nga niya alam kung bakit doon siya dinala ng kanyang mga paa pagkagaling niya sa opisina. “First of all sister, “Chen ‘d Empresz na ang name ko ngayon, okay?” saad ng ex-suitor niyang bading na ngayon. Inaayusan siya nito ng buhok. “At niligawan kita noon hindi dahil sa gusto ko lang maranasan maging girlfriend ang isang babaeng itinuturing na ‘syota ng campus’ noon. Hindi ako katulad ng iba na syinota ka lang para subukan kung game ka sa lahat ng bagay. Hindi ako ganon sister, I swear.” “Eh, bakit? Bakit mo ako niligawan?” Titig na titig pa rin siya sa mukha ni Charlie alyas Chen ‘d Empresz na namumuti na sa facial cream. Nagbuntong hininga muna ito bago sumagot. “Honestly, sister, bata palang ako ay pusong babae na ako pero hindi ko maipakita sa iba dahil nahihiya ako. Nang umugong ang tsismis na isa akong bakla, naisip kong magpanggap na in love na in love sa isang babae para maniwala silang lalaki ako. Ikaw ang madaling syota-in kaya ikaw ang napagbalingan ko.” “Ginamit mo pa rin ako.” Malapit na siyang umiyak.”At siguro ganon din ang intensiyon ni Jake, Larry, ni Marlon at iba pang lalaki. Hindi totoong minahal nila ako. Ganon lang ba talaga ang purpose ko sa mundong ito? Wala na bang seseryoso sa akin?’ “Bakit ka naman nag-iisip ng ganyan sister?” pairap sa sabi nito. “Anong tawag mo sa panliligaw noon ni Zed? Hindi pa ba iyon mukhang seryoso, eh, patay na patay iyon sa iyo.?” Ah, ipinaalala na naman nito si Zed. Muli ay nanariwa sa kanya ang kahapon. Walang araw yata noon na hindi iya nakita si Zed sa campus, palibhasa, ito lang din ang malimit magtanong kung kumain na siya o okay lang siya o kailangan niya ng tulong. Kay Zed lamang niya naramdaman kung paano maging espesyal. At ngayon lamang niya lubos na na-realize na tanging si Zed lamang ang nagmamahal nang totoo sa kanya. Ngunit sinayang niya ang lahat ng iyon. Hinayaan niyang mawala sa Zed. Hinayaan niyang masayang ang isang dakilang pag-ibig. Subalit muli itong nagparamdam ng pagmamahal sa kabila ng magandang katayuan nito ngayon sa buhay. Muli itong nagpakita ng pagkatalo. Hahayaan ba niyang muling mauwi sa wala ang lahat ng iyon. “O, saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Chen‘d Empresz nang bigla na lamang siyang tumayo. “I have to go, Chen‘d Empresz,” taranta niyang sabi. “I have to see Zed. Ngayon kasi ang punta niya sa States.” Iyon ang sinabi ni Kyle sa kanya nang magkita sila sa LinkWorl kanina. “Naku sister, hindi pa maayos ang buhok mo!” sabi nito. Ngunit parang wala siyang narinig. Halos utusan na niya ang taxi driver na paliparin nito ang sasakyan habang sakay siya nito. Kailangan niyang maabutan si Zed. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Mabuti na lamang at hindi traffic. Nakarating kaagad siya sa bahay ni Zed. “Naku, hija, nakaalis na siya,” salubong sa kanya ng papa nito nang patuluyin siya ng katulong. Tila nanghihinayang napasandal siya sa dingding ng sala. Nakaalis na si Zed. Iniwan na naman siya nito. “Importante ba ang sadya mo sa kanya, hija?” tanong ng papa nito. “Baka naman nasa airport pa siya ngayon. Bakit hindi mo text or tawagan?” “D-di bale na lang po,” pinilit ngumiti pagkasabi niyon. “H-hindi naman po importante. S-sige po…”Balak na sana niyang tumalikod nang marinig niya ang boses nito. “He talked a lot about you before he left,” saad ng papa ni Zed.” Alam kong malungkot siya nang umalis, hija. At alam ko rin na ikaw ang dahilan ng kalungkutan niya. H-he said he love you. But it’s too late. Si Kyle na raw ang mahal mo.” Umiling siya, sabay harap dito. “I-I love him, P-Papa.” Hindi niya alam kung paano niya nasabi ang mga salitang iyon. Hanggang ngayon ay sanay pa rin siyang tawagin itong “papa.” “Natutuhan ko na siyang mahalin bago pa man ang kasal namin. Ako na sana ang pinakamasayang babae sa mundo kung natuloy ang kasal na iyon. At kung nagalit man ako sa kanya nang mga nagdaang araw, iyon ay dahil sa nasaktan ako. Mahal ko siya, eh.” “I-I’m sory anak,” sabi nito. “Naiintindihan kong pareho kayong nagkamali sa isa’t isa. Pero hindi pa huli ang lahat. “He’s gone Papa.” “He will come back.” “Hihintayin ko siya.” Kasabay ng ngiting sumilay sa mga labi niya ay ang pagpatak ng mga luha niya. “I-if you have the chance, please tell him that, Papa. I’ll wait for him. I love him.” “I’m willing to forgive everything just to have him back. Wala na akong nakikitang ibang lalaking gusto kong makasama hanggang sa aking pagtanda kundi siya. Walang araw na hindi ko pinangarap na siya ang groom na magdadala sa akin sa harap ng altar. Si Zed lang, Papa.” Ngumiti ito at niyakap siya. “He’ll surely be happy when he comes back, Ashley. He’ll surely do. Magiging masaya kayong dalawa at matutupad ang pangarap mong makasal kayo. Noon pa pinapangarap ni Zed ang maikasal. Matagal siyang naghanap ngunit walang natagpuan. Naiwan ang kanyang puso sa nagiisang babaeng minahal niya during his college years. Hindi siya nakakita ng babaeng katulad mo. “Hindi ko malilimutan ang minsan niyang ipinangako habang kaswal kaming nag-uusap noon. Kinamusta ko siya. And he said that he had been met the girl of his dreams. The girl he wants to marry and to be with for the rest of his life. At hindi siya haharap sa altar kung hindi ang babaeng iyon ang kasama niya. Mas marami pang landas na luha sa mga pisngi niya. Wala nang ibang babaeng puwedeng tukuyin ang papa ni Zed kundi siya. Siya lamang ang babaeng minahal ni Zed, alam niya. Siya lang. “Babalik si Zed, hija.” Hinagod na nito ang likod niya. “Just don’t stop waiting for him.” “Yes, Papa. At hinding-hindi rin ako haharap sa altar nang hindi kasama ang lalaking siyang ama ng magiging anak ko. *** Hindi ka ba talaga titigil sa pangungulit sa akin?” Nakapamaywang si Ashgab sa harap ni Zed. “No,” mariing sagot nito. “You are my destiny. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatunayan sa’yo na ako ang lalaki para sa’yo. “Puwede ba, kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo!” pasinghal niyang sabi. “Never kong in-imagine na ikaw ang mapapangasawa ko. Tingnan mo nga iyan sarili mo. Para kang nakatakas sa panahon ng sixties. Ang baduy-baduy mo!” Imbes na ma-offend ay napangiti pa siZed. Sinuklay nito ng daliri ang buhok, inayos ang kuwelyo na suot na polo, at nagpakawala ng isang matamis na ngiti kaya nalantad ang sungking ngipin nito na may braces. “Don’t you find me handsome?” “No!” singhal niya rito “Cute?” “Never.” Inirapan niya ito. “Intelligent?” “Perhaps,” pag-amin niya. “But that’s not enough para magustuhan kita, ‘no!” “Maghihintay pa rin ako. Someday, bibigay ka rin at papayg na magpakasal sa akin sa kahit na saang simbahan. “Confident itong ngumiti at nag-pa-cute muli sa kanya. Ah, nakakatuwang maalala ang nakalipas. Oo, isang alaala na lamang iyon ni Zed. Ng lalaking nagmahal sa kanya. At hinding-hindi niya ito makakalimutan. “O, ‘di ba may appointment ka ngayon sa doctor mo?” Napatingin siya sa nakabukas na pintuan ng kanyang kuwarto nang marinig niya ang tinig ng tita tam niya. “Mamaya na lang po. Tinatamad pa ho ako, eh.” “Eh, ganyan talaga ang naglilihi,” sabi nito. “Buti kung katabi mo si Zed. Isang hakbang mo lang sa kanya, tiyak na siya na ang makakaramdam ng nararamdaman mo.” Nakangiting kumindat pa ito sa kanya. “Sus! Totoo po ho ba iyon?” napangiting sabi niya. Simula nang magkausap sila ng papa ni Zed, nakakangiti na siya kahit paano. Umaasa siyang isang araw ay bigla na lamang magpapakita sa kanya ang binata upang bigyan ng katuparan ang mga pangarap niya. Mag-iisang linggo pa lang naman nakakalipas simula nang umalis si Zed papunta sa States. “Totoo iyon,” giit nito. “Ang mabuti pa ay magbihis ka na. Wala nang clinic iyon mamayang hapon. Napilitan na siyang sumunod kahit tila hindi pa niya kayang ikilos ang kanyang katawan. Hindi na nga siya nag-report sa trabaho dahil sa nararamdaman niya. “Puwede bang magpahatid sa jeep niyo, tita tam?” pakiusap niya rito nang nakita itong nagbabasa ng diyaryo sa sala. “Hindi puwede,” sagot nitong nakatuon pa rin ang mga mata sa binabasa. “Pagod ako.” Tumaas ang kilay niya. Bigla naman yatang nawalan ng concern ito sa kanya at sa magiging apo nito. “Sige, kayo rin…” pananakot pa niya. “Baka kung ano’ng mangyari sa akin sa labas.” Hindi pa rin ito tuminag sa kinauupuan. Napilitan na siyang lumabas ng bahay nang nag-iisa. Palabas na siya ng gate nang makita ang puting kotseng nakaparada sa tapat mismo ng kanilang gate. Wala siyang maaninag na tao sa loob ng sasakyan. Nagpalinga-linga siya ng tingin upang hanapin ang posibleng may- ari ng kotseng iyon, ngunit wala siyang nakita. Imposible naman sa kapitbahay nila dahil sobrang gara ng kotseng iyon at malinaw na naligaw lamang sa lugar nila iyon. Napabalik tuloy siya sa loob ng bahay upang itanong iyon sa tita tam niya, ngunit iba’t ibang-ibang klase at kulay ng mga bulaklak ang sumalubong sa kanyang mga mata pagpasok niya roon. Nagmistulang flower shop ang sala ng bahay nila. “Tita tam, lola glo!” malakas niyang pagtawag. “Kanino bang kotse iyong nasa harapan ng bahay? At kanino ba galing ang mga bulaklak na ito?”Pero kinutuban na siya ng maganda. Wala nang iba pang puwedeng magbigay ng mga bulaklak na iyon. “Do you like them?” Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan sa narinig na tinig. “Do you like more? If yes, magpapa-deliver pa ako. If not, bubuhatin ko na ang lahat ng iyan palabas ng bahay.” Pigil ang hiningang humarap siya sa nagmamay-ari ng tinig na iyon at tila lumundag ang puso niya nang makita ang lalaking ilang araw rin niyang pinanabikang muling makita. “Z-Zed…” “Muntik nang mabasag ang mga vases sa pagmamadali naming mailagay rito ang mga bulaklak,” natatawang sabi nito. “Tinulungan ako ni tita tam at lola glo. I was hiding there.” Itinuro nito ang likuran ng pinto. “They don’t mean anything to me now,” naiiyak niyang sabi. “You mean, you don’t want to see me?” Napalis ang ngiti sa mga labi nito. “No. Hindi ko na makita ang kahalagahan ng mga bulaklak dahil ikaw lang ang gusto kong makita.” Pumiyok pa ang tinig niya nang bigkasin ang mga salitang iyon. “Oh, God, Ashely, I’m so happy to hear that.” Lumapit ito at niyakap siya nang mahigpit. “Z-Zed, I wanna say sorry. I wanna explain—“ Idinikit nito ang isang daliri sa mga labi niya. “No need. I already know everything. Papa ng Kyle told me. Nagpapakipot ka lang daw.” Napangiti ito. “It’s true.” “I don’t care about the past.” Hinawakan siya nito sa baba at itinaas ang kanyang mukha hanggang sa maghinang ang kanilang mga mata. “Ang mahalaga ay ang ngayon at bukas. Ang kasal natin at ang magiging anak natin. I love you so much Ashley. W-will you marry me?” “Yes,” diretso niyang sagot. “And I love you very much.” Muli siyang pumikit nang yakapin siya nito upang palayain ang mga luha ng kaligayahan. Pagmulat niya ay nakita niya ang tita tam at lola glo niya na masayang magkayakap habang nakamasid sa amin ni Zed. “Let’s go to your doctor,” mayamaya ay sabi ni Zed sa kanya. “From now on, ako na ang palaging kasama mo sa mga checkups mo.” Pinahid nito ang mga luha sa kanyang mga mata. “Yes, Sir,” nakangiting sagot niya. “Hindi ka dapat napapagod ng husto,” muling sabi nito. “Kailangang magbakasyon ka muna sa opisina. Ayokong mahirapan kayo ni Baby.” “Yes, Sir.” Pagkatapos niyon ay bigla na lamang siya nitong kinabig at hinalikan nang buong pananabik sa mga labi. *** Tila na nakalutang sa alapaap si Ashgab nang lumalakad na siya sa aisle ng simbahan. Pumipintig-pintig pa ang sanggol sa kanyang sinapupunan na para bang nakikisaya rin sa kanya. Iyon na ang matagal niyang pinapangarap. Ikinasal siya bago ang susunod na kaarawan at ikinasal siya sa lalaking mahal niya. Ah, wala na siyang hahanapin pang iba. “May I have your hand, my lovely wife?” nakangiting sabi ni Zed nang makalapit siya sa kinaroroonan nito. Hindi niya kaagad iyon inabot dito. Sinariwa muna niya sa kanyang isip ang nakaraan…ang dating Zed na minsan ay ikinahiya niya. Ang baduy na Zed na iyon ang nakikita niya ngayon sa kanyang harapan, nakangiti kaya nalantad ang ngipin na sungki-sungking may braces at nakasuot ng ala-sixties na kasuotan. Yet, she still wanted to marry him. She still loved him kahit na ano pa ang hitsura nito, hindi na magbabago ang pagmamahal niya rito. Ikinawit niya ang palad sa braso nito at saka sila humakbang patungo sa altar. Wakas... Like>>>>>>> Being respected is more important than being beautiful Like>>>>>>>> m.facebook/DCSAKNP.ELLEDEE?refid=5 Like>>>>>>> m.facebook/DIPKNANMK.babe15?refid=5 Like>>>>>> m.facebook/ParaSaMAgSyota?refid=5 Lloydrhek m/
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 08:00:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015