NP senators, hawak ang 4 na committee sa Senado Ibinulgar ngayon - TopicsExpress



          

NP senators, hawak ang 4 na committee sa Senado Ibinulgar ngayon ng Nacionalista Party (NP) ang makukuhang committee chairmanship ng kanilang mga miyembro sa pagbubukas ng 16th Congress sa ilalim ng liderato ng napipisil na Senate president na si Sen. Franklin Drilon. Ayon kay NP senator Cynthia Villar, magiging Senate majority leader si Sen. Alan Peter Cayetano, habang magiging defense committee chairman si Sen. Antonio Trillanes IV, mananatili sa committee on health si Sen. Pia Cayetano at si Sen. Bongbong Marcos sa local government committee, habang siya ay sa agriculture committee. Kinumpirma ni Villar na ang mga first committee na ninanais ng administration senators ay plantsado na habang ang second committee na lamang ang pinag-uusapan. Kaninang umaga ay tumanggi si Drilon na ibunyag ang hatian nila sa committee chairmanships, kabilang na ang pagiging Senate President Pro-tempore na umano’y mapupunta kay Sen. Ralph Recto, habang tiyak nang lalaban si Sen. Juan Ponce-Enrile sa Senate leadership upang makuha ang pagiging minority leader. Sa bilang ng administration senators ngayon na sinasabing aabot sa 17 o 18, halos pormalidad na lamang ang kulang para si Drilon ang magiging Senate president matapos na ipakita ng administration coalition ang suporta dito. Katunayan, ngayon pa lamang ay ipiniprisinta na ni Drilon ang walong priority economic bills nito bilang alternatibo sa pagsusulong ng Charter change (Cha-cha) na tinututulan ng Aquino administration. #rein
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 19:13:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015