Nakababahala ang nagaganap sa ating bayan Ang ilang mahistrado ay - TopicsExpress



          

Nakababahala ang nagaganap sa ating bayan Ang ilang mahistrado ay tatangkaing ipatanggal Dahil sa bigay-bawing desisyong kinasasangkutan Pasiyang maging lungsod, yaong labing-anim na bayan. Ang mga mamamayan ay nawawalan ng tiwala Hinggil sa inilabas na kahatulang sala-sala Ang Konstitusyon ng bansa ay lantarang sinisira Kodigong dapat sundi’y tahasang binabale-wala. Ang Kataas-taasang Hukuman ang huling dulugan Ng mga usaping ang hanap ay pawang kawastuan Ibayong pag-iingat at ang masusing pag-aaral Para maitumpak lahat, katarunga’y mapairal. Nguni’t ano ang nangyayari, sa kodigo’y lumiliwas Binabago ang batayan, ang tuntuni’y nilalabag Malinaw sa Saligang Batas at doo’y nasasaad Mga bayang ginawang lungsod ay ‘di karapatdapat? ‘Di iilang ulit pagiging lungsod ay pinayagan Matapos pagtalakayan ang pasiya’y pinalitan At sa muling paghaharap ay tinutulan na naman Na ang kahuli-hulihan ay pagsang-ayong tuluyan. Mayroon kayang gantimpala sa kanilang ginawa Na hindi nabubunyag at inililihim sa madla Palibhasa’y nahirati sa tiwaling namahala Huwad ang nagtalaga na sa kanila’y kumalinga? Ano bang reputasyon ang dapat na pakaingatan Ng mga nakatogang sa mali ay nakakaramay Ang tanging naging puhuna’y lakas sa kinakapitan Inang mapagkunwari, sa kapangyariha’y gahaman. Paano na itong bansa kung hahayaang maganap Nababago kahit di susugan ang Saligang Batas Tagapagtanggol ng matuwid’y naliligaw ng landas Ano ang kahahantungan, ano ang magiging wakas?
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 06:57:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015