National News Camp Aguinaldo, bagong ‘bahay’ ng mga - TopicsExpress



          

National News Camp Aguinaldo, bagong ‘bahay’ ng mga evacuees Sinimulan na kahapon ng tanghali ang paglilipat ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Camp Aguinaldo sa Quezon City na dumarating sa Villamor Airbase mula sa Region 8. Ito ay matapos inanunsyo ng mga nagpapatupad ng operasyon ng Oplan Salubong at Oplan Hatid na lahat ng mga dumarating ay agad ihahatid sa nasabing kampo. Ipinaliwanag ni Mary Jane Abello Casamiro, information officer ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR), na sa Villamor Airbase sa Pasay City pa rin lalapag ang mga C130 plane na may lulan sa evacuees mula sa Visayas ngunit ihahatid na sila ng mga kawani ng DSWD sa Camp Aguinaldo. Sinabi ni Casimiro, simula kahapon ng alas-12:00 ng tanghali lahat ng mga serbisyo na ibinibigay sa Villamor Airbase para sa mga survivor ng bagyong Yolanda ay dapat mailipat na sa Kampo Aguinaldo na kasama na ang pagkain, medical mission at iba pa. ««« Admin VOI_SERVANT »»»
Posted on: Fri, 22 Nov 2013 09:54:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015