News Via Remate Kung hindi bukas, Pinay bibitayin sa - TopicsExpress



          

News Via Remate Kung hindi bukas, Pinay bibitayin sa Miyerkules by Jay Reyes Jul 1, 2013 7:33pm HKT ANUMANG oras simula bukas, hanggang Miyerkules ay bibitayin na ang Pinay na hinatulan ng kamatayan sa China dahil sa pagpupuslit ng anim na kilong heroin papasok sa naturang bansa. Ayon kay Vice President Jejomar Binay, walang eksaktong petsa na ibinigay ang korte ng China kaya anumang oras bukas ay posibleng isalang na sa lethal injection ang kababayan habang naghayag naman sa ginanap na press conference si Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na hanggang Miyerkules, tuluyang maisasakatuparan ang hatol sa Pinay. Ayon kay Hernandez, hindi nagbigay ng impormasyon ang Philippine Consulate hinggil sa petsa ng eksekusyon, subalit ipinarating sa kanila ng Consul General na maaaring sa Hulyo 3. Nagpahayag si Binay na tanging dasal na lamang upang maipagpaliban ang pagbitay sa Pinay. Ito ang naging pahayag ni Binay matapos tutulan ng mga opisyal ng China ang kanyang pagtungo sa naturang bansa upang iparating ang mensahe ni Pangulong Benigno Aquino III na ibaba sa life imprisonment ang kaparusahan sa 35-anyos na Pinay. Ayon naman sa DFA, nakarating na umano ang pamilya ng Pinay upang dalawin ito sa kanyang bilangguan. Bumiyahe nitong mga nakalipas na araw ang pamilya upang makasama sa huling pagkakataon ang Pinay bago siya isalang sa parusang kamatayan. Nabatid na maging ang pinsan ng Pinay ay nakakulong din sa China at nahatulan din ng kamatayan, subalit pinalad na binigyan ng dalawang taong reprieve o official pardon. Aminado si Binay, ang DFA at ang Malacanang na hindi sila tiyak kung maililigtas pa ang buhay ng Pinay. Pahayag ng DFA, napakahigpit ng China sa pagpapatupad ng batas sa drug trafficking. Labingwalong (18) beses nang nakapagpasok ng heroin ang Pinay sa China. Ang pinakahuli ay nang maaresto at makumpiskahan ng 6-kilong heroin noong 2011. admin chinG
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 11:39:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015