News time via Abante Para sa mga nasa KSA.. Illegal OFWs - TopicsExpress



          

News time via Abante Para sa mga nasa KSA.. Illegal OFWs ‘di aarestuhin kung inaasikaso na ang exit visa (Armida Rico) Ipinangako ng Saudi labor authorities sa pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nila aarestuhin ang mga illegal overseas Filipino workers (OFWs) na hindi nakaabot sa ibinigay na ekstensyon noong Nobyembre 3 ng pamahalaang Saudi Arabia hangga’t nasimulan na ang pagproseso sa kanilang mga dokumento. Base sa ipinarating na ulat ni Philippine Ambasador to Saudi Ezzedin Tago sa DFA na nakatanggap siya ng mensahe mula kay Saudi Labor Deputy Minister Mufreg Al-Hagbani na kung saan sinabi nitong hindi nila aarestuhin o sasaktan ang mga Pinoy habang inaasikaso ang kani-kanilang mga exit visas. Nauna nang nakiusap si Vice President Jejomar Binay kay Al Hagbani na huwag arestuhin o saktan ang mga OFW na naroroon sa nasabing bansa na hanggang sa ngayon ay wala pa ring mga travel documents. “Patuloy pa rin namin silang tinutulungan, ang mga kababayan natin na naroroon kahit natapos na ang ekstensyon dahil ito ang obligasyon ng ating ahensya” ani ni DFA spokesman Raul Hernandez. admin chinG
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 20:38:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015