News via Remate Pinay na bibitayin sa China walang makukuhang - TopicsExpress



          

News via Remate Pinay na bibitayin sa China walang makukuhang benepisyo by Johnny Arasga Jul 3, 2013 9:03am HKT HINDI makakukuha ng kahit anong benepisyo mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang convicted Pinay na nakatakdang bitayin sa China. Sinabi ni Vice President Jejomar Binay, ito’y sa kadahilanang undocumented ang nasabing Pinay. Una rito, tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinutugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng pamilya ng Pinay convict sa China habang naghihintay ang mga ito ng development sa kaso. Ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez, nanatili pa rin sa isang hotel sa Shanghai ang pamilya matapos na mabigyan sila ng pagkakataong makita ng personal ang kanilang kaanak. Sinabi pa ni Hernandez na “last resort” na umano ng gobyerno ang appeal letter ng Pangulong Benigno Aquino III kay Chinese President Xi Jinping na humihiling na maisalba ang buhay ng kababayan. Ang 35-anyos na Pinay ay nahatulang mabitay matapos mahulihan ng 6.198 kilos ng heroin sa Hangzhou International Airport noong 2011. Admin chinG
Posted on: Wed, 03 Jul 2013 06:26:03 +0000

Trending Topics



xpress.com/Devido-à-sobrecarga-de-conteúdos-os-alunos-são-obrigados-a-topic-411038282339598">"Devido à sobrecarga de conteúdos os alunos são obrigados a

Recently Viewed Topics




© 2015